Saturday, July 5, 2008

Ang Alamat ng Kambal na Saging

Sa isang maganda at mahiwagang palasyo ay nakatira
si Haring Saba at Reyna Lakatan.
Maganda ang pamamahala nila sa kanilang kaharian at
masayang namumuhay ang mga tao dito. Mahigit 2 taon na silang
mag-asawa ngunit mwala pa rin silang anak.

Isang araw habang palubog na ang araw ay masayang nagmasid ang mag-asawa.
Biglang tumahimik si Reyna Lakatan at malungkot na sinabi, "Iisa nalang ang
kulang sa ating pagsasama aking Hari."
Niyakap ng HAri ang kanyang asawa at sinabi, "Huwag kang mag-alala
aking mahal at dadating din ang oras at bibiyayaan din tayo
ng mga anak, huwag ka sanang mawalan ng pag-asa." Hinawakan ng Hari ang pisngi
ng kanyang asawa at sabay nginitian nya ito upang mawala ang
lungkot na nadarama ng kanyang asawa. Hindi masabi ng Hari kung gaano din siya
nalulungkot.

Sa paglipas ng panahon ay hindi parin sila binibiyayaan ng anak.
Naging matamlay ang Hari at di maiwasan ng Reyna na
malungkot sa mga nangyayari. Isang araw ay nagpasya ang Reyna na
ipasyal ang kanyang asawa sa kanilang hardin. Sa kanilang
paglalakad ay may nakasalubong sila ng isang matandang babae
at agad na sinabi "Mahal na Kamahalan, ako po ay tulungan nyo
gutom na gutom na ako. Maawa po kayo sa akin."
DAhil mabuti ang kalooban ng mag-asawa ay agad nila sinama ang matanda
sa palasyo upang pakainin.

Natuwa ang matanda at habang papalabas na ito sa
palasyo ay bigla itong nabalot ng liwanag, isa pala itong Diwata!
"Dahil mabuti ang inyong kalooban ay gagantimpalaan ko kayo."
Kaagad na hinawakan ng Diwata ang tiyan ng Reyna at ito ay nagliwanag.
NApatulala nalang ang mag-asawa.

Makalipas ang 9 na buwan ay nalalapit na ang kapanganakan ng kanilang
anak. Habang namamasyal ang mag-asawa sa may bundok upang makalanghap
ng sariwang hangin sa may tabi ng balon ay bigla nalang sumakit
ang tiyan ng Reyna. Manganganak na siya! Pagkalipas ng 1 oras ay nagsilang siya
ng kambal na babae. Maputi ang mga ito, maliit ang katawan at dilaw ang kanilang mga
buhok. Sa kasamaang palad, namatay ang Reyna dahil sa hirap ng kanyang
panganganak. Sa loob ng 2 taon ay sinikap ng Hari na maging
mabuting magulang sa kanling anak,
ngunit hindi ito naging sapat. Naging suwail ang kanyang mga anak.
Palagi silang magkaaway, gusto nila lagi na magkahiwalay sila ng landas
dahil hindi sila magkasundo.

Dahil sa mga nangyayari ay nagalit ang Diwata. Naisip na itinago ng Diwata ang Hari sa gitna
ng kagubatan upang magkasundo ang magkapatid. "Hindi mo kasi binantayan ang
Hari!" sigaw ng panganay na anak. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat, wala ka
man lang pakialam sa ating Ama." Nagsigawan pa sila lalong magkapatid.
Biglang lumitaw ang Diwata at sinabi kung nasaan ang Hari, "makikita nyo lamang ang inyong
Ama kung kayo ay magkakasundo at magsasama sa paghahanap sa kanya."

Nagmadali ang magkapatid na pumunta sa bundok, habang sila ay naglalakad ay
nagaway na naman ang 2 at nagpasyang maghiwalay. Galit na galit ang Diwata dahil
dito ay tinulak nya ang magkapatid sa balon at bigla itong nagliwanag.
Hindi na nila nakita ang magkapatid. Bigla nalang lumitaw ang Hari, nakakita siya
ng puno sa gitna ng balon. Meron itong bunga, dilaw ang kulay kagaya ng mga
buhok ng magkapatid. magkadikit ito. Sinabi ng Diwata ang kanyang dahilan sa hari,
"hindi naging mabuti ang iyong mga anak. Pinagdikit ko sila dahil gusto lagi
nila laging magkahiwalay." Napaluha nalang ang Hari at niyakap ang puno, binulong nito "mahal
ko kayo aking mga anak."



by:
Michelle Ann P. MArvida
BSN2-5

No comments: