by Dana Dolor Montecillo
Noong unang panahon, panahon pa ng Hapon, mura pa ang mamon, at sumisikat pa lang ang bihon, ay may batang nagngangalang Timon. Si Timon ay sikat na sikat sa kanilang nayon, siya ang paboritong tuksuhin ng mga maton na taga-roon.
Isang araw bago matapos ang mag-hapon habang umuuwi ang mga ibon ay pauwi na rin si Timon buhat sa pagbili ng turon, ng biglang, “Hoy Timon, Hipon!” Sigaw ng mga maton. “Timon, Timon, Hipon!, ahahaha..” ang sabi ng mga maton. Lumingon si Timon na tumutulo ang sipon, “Sinong hipon?” ang tanong ni Timon. “Isusumbong ko kayo sa tiyo kong may baton!” Nagtawanan ang mga maton at sinabing, “Ah si Timon pikon! Pikon, pikon, pikon!”
Tumakbong pauwi si Timon na mas matulin pa sa nagma-marathon. Pagdating nya sa kanilang mansyon ay tinanong sya ng kanyang Yaya Sharon, “Oh Timon, ba’t labas ang iyong sipon?” Sagot ni Timon: “Tinutukso ako ng mga maton, mukha raw akong hipon.” Ang sabi naman ni Yaya
Kinaumagahan, pagkakain ng agahan si Timon.. (abah teka ibalik natin sa –on) Pagkatapos lumamon ni Timon ng pandesal at hamon ay lumabas na sya ng mansyon upang makipaglaro sa mga taga-roon ng pataasan ng talon; pagkalabas na pagkalabas nya ay naroroon na ang mga maton, “Ayan na si Timon Hipon na pikon!” Sigaw ng mga maton at nagtawanan sila halos buong maghapon. Tulad ng nangyari
Nagpaulit-ulit kay Timon ang ganoong sitwasyon, hanggang sa isang hapon nakita si Timon ng diwatang nakapantalon na mahilig sa melon; “Hoy ikaw Timon, masyado
3 comments:
gosh..nice nice!! tsaga mo umisip ng mga words..u know what nalala ko si BoBOng!! haha love it!!
what's wid bob ong?? does he have similar work wid mine?? if he does den i didn't mean to come up wid similar stuff.. ^__^ hehe..
wow naman, ang galing! XD san galing mga -on mo? hahahha
Post a Comment