Thursday, August 7, 2008

MAIKLING KWENTO,,,Ang Panata,,,,,,

Sa isang barrio kung saan nakatira si Alfredo,kasama ang kanyang pamilya sa kanilang hacienda at lubos na maganda ang ani at maganda ang takbo ng kanilang pamumuhay,lalo't higit ang takbo ng pag-ibig ni Alfredo.Kasintahan niya si Alicia,mahigit na sa anim na taon ang kanilang pagsasama at nagpaplano na silang magpakasal.Lubos na masaya ang takbo ng pamumuhay, pag-ibig at negosyo no Alfredo,marami ang humahanga sa kanya dahil sa sinasabi na siya ay suwerte,lubos na panagpapasalamat ni alfredo ang lahat ng ito sa Diyos,kaya siya at ang kanyang pamilya maging sa Alicia ay palaging nagsisimba ng sama sama.
Labis na iginagalang at mahal ni Alfredo ang kanyang ina,si Donya Marcela,na isang mabait,matulungin at lubos na hinahangaan sa kanilang barrio.Matulungin ang ina ni Alfredo sa mga may sakit at sa mga kapuspalad.Hindi nito pinagdadamot ang kanyang kayamanan.nagbibigay siya ng tulong sa Simbahan at sa mga Paaralan.Ito ang dahilan kung bakit kilala at nirerespeto si Donya Marcela, kayat mahal na mahal siya ng kanyang anak.
Dumating ang panahon na nagpa-plano si alfredo at alicia ng kanilang kasal. Lubos na masaya ang dalawa dahil matutupad na ang kanilang pangako at pangarap sa isat-isa.
Ngunit may dumating na di inaasahang pangyayari sa pamilya nina alfredo. Nagkaroon ng karamdaman ang kanyang ina na si Donya Marcela at hindi matukoy kung ano ang dumapo sa kanyang sakit. Ipinatingin nila ang ina sa pinaka-magagaling na manggagamot, ngunit ni isa ay walang maisagot at maibigay na lunas sa karamdamang ito. Hindi matiis ni alfredo na makita na nagdurusa at nahihirapang ang kanyang ina, wala man lang siyang magawa upang maibsan ang paghihirap nito.
Namanata si alfredo sa mahal na birhen. "Mahal na birhen, ako'y dumadalangin sa inyo nawa ay tulungan ninyo ang aking mahal na ina, pagalingin niyo siya. Sa oras na siya ay gumaling aking ipinapangako na ilalaan ko ang aking buong buhay sa paglilingkod sa inyo".
Iyon ang binitiwang salita ni alfredo sa kapilya habang siya ay nananalangin. Makalipas ang ilang araw ay napansin nilang unti-unting sumisigla si donya marcela, unti-unti itong gumagaling. Napaluha si alfredo sa pangyayaring ito dahil dininig ng mahal na birhen ang kanyang panalangin.
Nagdesisyon siyang mag-pari dahil sa panata niya sa mahal na birhen. LAbis na nasaktan si alicia dahil sa desisyon ni alfredo, hindi niya ito inaasahan. Kaya umalis ng bansa si alicia at nagpaka-layo layo upang magsimula muli. Samantala, pumasok si alfredo sa seminaryo at nagsimula nang maglingkod sa panginoon.

Edelyn Q. Montecillo
BSN 2-5

Sunday, July 27, 2008

PALAKA

Sa gitna ng kaharian ng Renaia, isang dalaga ang nakatira sa munting palasyo. Siya si Helena, nag-iisang anak siya nina Haring Bernardo at Reyna Lorena. Pinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang anak dahil hindi lang maganda si Lorena kundi ay matalino at may mabuting kalooban din. Tuwing umaga ay hindi sumasablay si Helena sa pagbati sa lahat ng taong makakasalubong niya ng “ Magandang umaga po sa iyo, nawa po ay maging maganda ang iyong araw”. Hindi rin siya pumapaliya sa pagpunta sa kanilang hardin tuwing umaga at gabi sa kadahilanang meron siyang binibisitang mga alaga, ang kanyang mga palaka. Tuwang tuwa siya sa mga palaka, para sa kanya ay nakakaakit ang mga malalaki at bilugang mata ng mga ito.

Isang umaga habang siya ay naglalakad patungo sa kanilang hardin ay may nakasalubong niya ang isang binata. Binati niya ito ng “ Magandang umaga sa iyo”. Natuwa ang binata sa kanya at nagwikang “Magandang umaga din sa iyo. Mukang masaya ka ata, saan ka ba patungo at maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?” “ako nga pala si Helena, ikaw? papunta ako sa aming hardin” tugon ng dalaga. “ako nga pala si Nicolas, kinagagalak kitang makilala. Ano naman ang gagawin mo sa inyong hardin?" wika ng binata. “Dadalawin ko ang aking mga alagang palaka” sagot ng dalaga. “Palaka?” nagtatakang tanong ng binata. “Paborito ko kasi ang mga iyon. Tara! Sumama ka sa akin para makita mo kung gaano sila kaganda.” Nakangiting sagot ni Helena sa binata. Namangha si Nicolas sa kanyang narinig sapagkat unang beses lang siyang nakarinig ng dalagang natutuwa sa mga palaka. Napangiti na lang ang binata at sumama sa dalaga , simula ng araw na iyon ay lagi na silang nagkikita.

Sa araw araw na pagkikita ng dalawa ay nahulog na ang loob nila sa isat’isa. Hindi tumutol ang mga magulang ni Helena sa pag-iibigan nila ni Nicolas sa kadahilanang kampante na ang loob nila sa binata dahil nga sa halos araw araw na pagpunta ng binata sa palasyo, nakakatiyak na sina Haring Bernardo na mabuti ang intensiyon ng binata sa kanilang anak. Laging pinapasaya ni Nicolas si Helena kaya tuwang tuwa ang mga magulang nito sa kanya, itinuring na siyang kapamilya ng mga ito.

Dumating na ang araw ng pasukan. Nakatanggap si Nicolas ng sulat galing sa ninanais niyang paaralan, siya ay nakapasa dito. Ang problema niya nga lang ay sadyang malayo ang paaralan sa palasyo kaya kinausap niya si Helena tungkol sa bagay na iyon. “Natutuwa ako sa balitang iyan mahal ko. Naiintindihan kita, alam kong gustong gusto mong pumasok doon kaya’t sige humayo ka at tuparin mo mga pangarap mo basta’t ipangako mo lang sa akin na hindi mawawala ang komunikasyon sa pagitan nating dalawa, lagi kang susulat at dadalaw” sabi ng dalaga sa kanya.

Umalis na si Nicolas patungo sa paaralan. Nang simula ay hindi napuputol ang komunikasyon ng magkasintahan, araw araw na sumusulat ang binata sa dalaga at ganoon din naman ang dalaga. Tuwing sabado ay pumupunta si Nicolas sa palasyo para dalawin si Helena. Biglang dumating ang araw ng kanyang pagsusulit, naging abala si Nicolas sa kanyang pag-aaral kaya hindi siya nakakasulat at nakakadalaw sa dalaga. Nagtampo ang dalaga. Nang natapos ang araw ng pagsusulit, gumawa ng paraan ang binata para makabawi sa dalaga. Tulad ng dati ay araw araw siyang sumusulat kay Helena ngunit bihira ng sumagot ang dalaga sa mga sulat niya. Hindi rin niya inaabutan ang dalaga sa palasyo sa tuwing dadalawin niya ito.

Isang araw, naabutan ni Nicolas si Helena sa palasyo. Ang payat at namumutla ang dalaga kaya nag-alala ang binata. "Ayos ka lang ba mahal ko, bakit parang namumutla at namamayat ka?” tanong ng binata. “Ayos lang ako. Wag kang mag-alala” iyon lang ang sagot ng dalaga sa kanya. Hindi sila masiyado nakapagusap dahil nagpaalam agad ang dalaga na kailangan na niyang matulog. pagkatapos nila mag-usap at pagkapasok ni Helena sa kanyang kwarto ay nilapitan ni Haring Bernardo ang binata at kinausap ito. “Ako ay may ipagtatapat sa iyo, may sakit sa puso si Helena. Ayaw niya sanang ipaalam ito sa iyo dahil ayaw niyang mag-alala at maawa ka sa kanya.” Wika ng hari. Dahil sa pagkabigla ay hindi na nakapagsalita ang binata at ito ay napaluha na lang. Pagkatapos siyang kausapin ng hari ay dumeretso si Nicolas sa simbahan at siya ay nagdasal “ Panginoon, nawa po ay pagalingin Mo si Helena. Marami pa siyang mga pangarap sa buhay at kailangan ko pa po siya. Pawiin Mo po sana ang kanyang karamdaman. Handa ko pong gawin ang lahat para lang tuparin Mo po ang aking kahilingan. Maraming salamat po”. Araw araw niyang dinadasal ito.

Isang umaga habang si Nicolas ay nasa paaralan ay nabalitaan niya na paalis na sina Helena papunta sa ibang bansa mamayang hapon. Dali-daling umalis ang binata patungo sa palasyo. Hindi na siya pumasok para maabutan lang ang dalaga, ngunit, sa kasamaang palad hindi niya ito inabutan. Kung napaaga ng tatlumpung segundo sana ang dating niya ay naabutan pa sana niya ang karwaheng sinasakyan nina Helena. Napaluhod nalang siya sa harap ng palasyo at umiyak. Lagi na siyang tulala, hindi na siya halos nakakapasok sa paaralan at lagi lang siyang nasa simbaha’t nagdarasal.

Pagkalipas ng dalawang linggo ay nakatanggap si Nicolas ng sulat galing kay Haring Bernardo. ( ang laman ng sulat ay...) “ Kami ay umalis ng kaharian para ipagamot si Helena. Pinaoperahan namin siya, naging matangumpay naman ang operasyon, ngunit hindi na ito kinaya ng kanyang katawan. Hindi ko alam kung pano ito sasabihin, hindi na ako magpapaligoyligoy pa, si Helena ay wala na. Kaninang umaga ay bumigay na ng tuluyan ang kanyang katawan, wala ng nagawa ang mga doktor. Kami ay pabalik na diyan sa kaharian, pasensiya na sa masamang balita.” Pagkatapos mabasa ni Nicolas ang sulat, umiyak ito at sumigaw “wwaahh!!! bakit Mo siya kinuha?!! Lahat naman ng gusto mo ay ginawa ko!! Bakit ito pa ang isinukli Mo sa akin?!! walang tigil sa pag-iyak si Nicolas hanggang sa sumapit na ang gabi. Siya ay nagpunta sa simbahan, lumuhod, at nagdasal “Panginoon, ako po ay patawarin niyo sa mga hindi kaaya-ayang salitang nasabi ko kanina. Siguro po ay masyado lang po akong nabigla sa nangyari” habang siya ay nagdarasal ay bigla siyang nakarinig ng “Kokak! kokak!”. Paglingon niya, nakakita siya sa kanyang tabihan ng isang munting palaka na parang nakatinging sa kanya. Bigla niyang naalala si Helena, napatigil siya sa kanyang pag-iyak at napangiti na lang ang binata. Simula nung gabing iyon ay bumalik na ang sigla ni Nicolas at nagsimula na siyang manilbihan sa Panginoon.



" hindi ibibigay ng Panginoon sa iyo ang isang pagsubok kung hindi mo ito kaya, magtiwala at maniwala ka lang sa Kanya."




created by:
Lara Loraine M. Mary


" I BELIEVE, with GOD all things are POSSIBLE"

- inspired by a true story -

Sunday, July 20, 2008



Ano ang Tama?

Thea Angelic R. Maiquez


Sa likod ng bundok Maria Makiling ay may nakatirang isang magandang dalaga na nagngangalang Uneng. May kaliitan ngunit maganda at may mala porselanang kutis. Hindi siya nakatuntong ng High school dahil simple lamang naman ang mga pangarap niya at higit sa lahat ay alam niya sa sarili niya na gabay niya ang Diyos sa araw-araw. Madasalin at napakabait na dalaga ni Uneng. Makikita mo siya palagi sa simbahan at malapit na malapit sa Diyos.

Isang araw ay nakilala niya itong si Antonio, isang anak ng gobernador at napakagandang lalake ngunit may napakasamang ugali. Maraming nagkakandarapa sa kayamanan nila kahit na sampakan ng sama ng loob niya. At sa hindi inaasahan ay nahulog ng matindi si Uneng sa binata at ganoon rin si Antonio. Kahit anong babala ng mga kapit bahay ni Uneng sa kanya ay walang nakapigil sa kanyang nararamdaman. Hanggang sa nagpakasal na nga silang dalawa. Nagkaroon sila ng labindalawang anak. Pinag-aral sila ng kanilang ama sa mamahaling paaralan kahit na naghihirap na sila. Tuloy, si Uneng ay hindi na magkandaugaga,kulang na lang ay mamukha siyang katulong. Subalit malaki pa rin ang pasasalamat niya sa Diyos at maayos ang kaniyang pamilya. Ang hindi niya alam ay may ginagawang kababalaghan na ang asawa niya. Hanggang sa isang araw balitang-balita sa nayon na may kabit si Antonio at binabahay niya pa iyon. Sinawalang bahala niya iyon at imbes na maniwala ay pinasaDiyos na lamang niya ang mga tsismosa sa lugar nila.hindi nagtagal at hindi pa nakuntento si Antonio sa isang dosenang anak at inanakan pa ang kabit ng lima. Hindi na mawari ni Uneng ang gagawin niya. Kahit na ganoon ang nangyayari sa kanila ay matatag pa rin ang pananalig niya sa diyos. Doon na lamang kasi siya humuhugot ng lakas ng loob pati na rin sa kaniyang mga anak.

Ika-50 taon ng kaarawan ni Antonio, “ano kaya ang maihanda para sa kaniya?”sabi ni Uneng. “ano ka ba inay, harap-harapan ka ng niloloko ni itay,” sabi ng panganay na anak nila. “nakikita mo ba ang kristo sa harapan mo ngayon? Kahit na puro kasalanan ang mga taong pinaglanan niya ng buhay ay ito pa rin siya laging bukas ang tahanan niya para sa ating lahat. Ang hindi alam ni Uneng ay sa araw ding yon ay may masamang mangyayari. Sa kanilang pag-uwi ay nakasalubong niya ang isa pa nilang anak na si Jun na tila mo galling sa malayong lugar sa pagkahapo. “inay, si itay binaril!” Dalas-dalas ang pagtakbo ni Uneng. Pagdating ay huli na pala ang lahat. Buong araw siyang nagdadasal para lang magbago ang pangyayaring iyon. Hindi siya umiiyak pero kita mo sa mga mata niya ang sobrang lungkot. Lalo niya tuloy pinagtibay ang pananalig sa Diyos. Wala na siyang katulong sa pagpapalaki ng kanyang mga anak kaya minabuti na lang niyang mangibang bansa at magtrabaho kahit ang kapalit ay maiiwan niya ang kaniyang mga anak. Tanging ang paniniwala lang sa Diyos na mababantayan ang kanyang 12 anak ang pinanghahawakan niya.

Makalipas ang 20 taon. hindi mo aakalain na lalaking may tiwala sa Diyos at may mga pangalan ang lahat niyang anak, kahit na wala siya sa tabi ng mga ito ng lumaki sila. Hindi siya nagkamali na magtiwala at mahalin ang Diyos sa gitna ng problemang dumating sa buhay niya.

Isang kahinaan ang magpadala sa pagsubok ng Diyos...


by: Thea Angelic R. Maiquez

Gabriel

Sulatin Blg.2
Ma. Cecilia M. Miano Maestro Joel Jovellano
BSN2-5 ika-14 ng Hulyo, 2008



“ Pag sinabi ng isang tao na mahal niya ang Diyos subalit hindi niya minamahal ang kanyang kaaway, siya ay sinungaling. Sapagkat ang Diyos ay nabubuhay sa bawat isa sa atin, at ang pagmamahal sa kanya ay katumbas ng pagmamahal sa kapwa…..”

GABRIEL

Noong sinaunang panahon, panahong nakatali pa tayo sa kamay ng mga kastila, maraming Pilipino ang pinagsasaka sa malalawak na lupain na kanilang pagmamay-ari. Sila ay nagmimistulang alipin ng kanilang mga ari-arian at lupain, at ibinibigay nila ang malaking porsiyento ng kanilang kita sa mga pyudal nilang panginoon. Maraming kapwa natin Pilipino ang nagdurusa at isa na rito si Mang Simon.

Si Mang Simon at ang kanyang pamilya ay walang sariling tirahan at ari-arian, bukod dito mayroon pa silang utang na minana niya sa kanyang magulang. Araw-araw siyang nagsasaka para lamang may kitain at may makain kahit kakaunti. Siya ay isang taong hindi relihiyoso, wala siyang Diyos na pinapaniwalaan. Marahil, iniisip niya na wala talagang Diyos dahil sa mga paghihirap na kanyang dinaranas at bagamat ipinalalaganap ito ng mga kastila, ang nakikita niya ay ang pagpapahirap ng mga ito at hindi ang relihiyon na kanilang pinakikilala. Sa kanyang pagsasaka ay nararamdaman niyang tumatagos ang init ng araw sa kanyang ulo, yun pala ay sira na ang salakot na ginagamit niya sa pagtatrabaho. Napagplanuhan niyang bumili ng bago kung kaya’t nagpursigi siyang lalo sa pagtatrabaho upang malaking bahagi ang ibigay sa kanya. Noong araw na yun ay kulang ang kinita niya, sa susunod na araw na lang daw pupunan ng amo ang kanyang sweldo. Naalala niya ang pagbili ng bagong salakot na gamit sa pagsasaka, sinabi niya ito sa asawang si Marita, kung kaya’t inialok nito ang kaunting sentimo na naipon sa paglalabada. Tinanggap niya kahit sa loob niya’y alam niyang kulang pa rin ito. Kinabukasan ay maaga siyang gumising upang marami siyang matrabaho subalit ng matapos ang araw ay hindi pa rin binayaran ng amo nito ang kulang na kinita noong nagdaang araw. Umalis siyang masama ang loob at ipinang- inom na lang ang kulang na salaping pambili niya ng salakot. Nilunod ang sarili sa alak upang maibuhos ang sama ng loob at nagwikang, “kayong mga kastila, nasaan ang Diyos na ipinapakilala ninyo? Sinong panginoon yan? Wala kayong ginawa kundi mang-api, marahil ganoon din ang inyong Diyos!!”
Nang siya ay pauwi na, nakita niya ang isang estrangherong walang malay. Noong una ay nilampasan niya ito at nagkunwaring walang nakita. Mga ilang hakbang ay muli itong lumingon at nakita niyang nag-aakmang sumaklolo ang lalaki. Waring nakatingin sa kanya at gustong humingi ng tulong. Nabagabag ang kanyang konsensiya kaya’t binalikan ang lalaki, dinala niya sa bahay at inaruga. Noong una ay hindi naging mainit ang pagtanggap ng asawa sa lalaki. Iniisip niya na baka nagpapanggap lamang ito at may masamang binabalak sa pamilya nila. Galit na galit pa si Marita kay Mang Simon sapagkat hindi na nga ito nakabili ng salakot, nag-inom at nagdala pa ng estrangherong palamunin sa kanilang bahay. “ Sa tingin mo anong ipapakain natin dyan? Hirap ka na nga dyan kumayod para sa ating mag-anak nagdagdag ka pa. Leche!” sambit ni Marita. “ Ewan ko ba, parang may bumulong sa akin na tulungan ko ang lalaking iyan, at tsaka kawawa naman, ni hindi nga niya alam kung saan siya nanggaling! Mahabag ka naman Marita! Pakiusap ni Mang Simon. Naghain si Marita ng makakain nila at umupo habang tinitignan ang lalaki. “ Alam mo ba kung bakit ka nasa daan kanina? May nagtangka bang magnakaw sayo o ano? “ “ Pinarusahan ako ng Diyos” sabi ng lalaki.” Diyos? Anong Diyos ang sinasabi mo? Kailanman ay walang Diyos!” pagalit na sagot ni Marita. “ Ang Diyos ay narito lamng!” sabi ng lalaki. Napailing na lamang ito at inakala nilang wala pa ito sa katinuan,. Dahil hindi nito alam kung sino siya, pinangalanan nila itong Gabriel. Dahil sa pagtanggap ng mag-asawa kay Gabriel, biglang umilaw ang dibdib nito.

“Gabriel, kami’y kapus-palad lamang, kung kaya’t para mabuhay ay kailangan magtrabaho. Kailangan mo kong tulungan sa pagsasaka para may ipakain ako sa iyo maliwanag?” sabi ni Mang Simon. “ Pagpalain ka nawa ng Panginoon. O sige, turuan mo ako at magtatrabaho ako.” Si Gabriel ay nakatulong ni Mang Simon sa pagsasaka. Nakita rin niya kung paano alipustahin ng mga pyudal na panginoon ang mga Pilipinong hindi sumusunod sa utos nito. Nang simula noon ay mabilis nilang natatapos ang mga gawain. Nakakapagtanim at nakakapag-ani sila ng marami kaya’t medyo lumaki ang bahaging ibinibigay sa kanila ng pyudal na panginoon. Dahil dito nakabili na si Mang Simon ng salakot at marami na rin ang pagkaing dinadala niya sa kanyang pamilya. Malaki ang pasasalamat ni Mang Simon kay Gabriel, subalit sinabi ni Gabriel, “Ang Diyos ang may kaloob ng lahat ng ito. Andyan lang kasi siya sa tabi natin, alam niya ang ating mga kahinaan at kalakasan at hindi niya tayo pababayaan”. Biglang umilaw ang dibdib ni Gabriel subalit hindi ito nakikita ng mga kasama niya. Natigilan si Mang Simon sa sinabi ni Gabriel, bigla niyang napag-isip-isip na baka nga totoo ang sinasabi nito. Natuto itong magdasal at tumawag sa panginoon oras- oras at minu-minuto. Dumaan ang mga araw, buwan at lalong naging mayabong ang kanilang pamumuhay. Biglang nagkasakit si Mang Simon, kaya’t hindi nito kinayang magtrabaho sa palayan. Si Gabriel lamang ang natirang magsaka subalit nakapagtrabaho ito ng doble sa naitatanim niya noon. Bukod dito, nakilala sa buong bayan si Gabriel dahil sa mabilis nitong pagtatanim at malulusog nitong ani. Bumalik na ulit ang dating sigla ni Mang Simon, sa tuwing sila’y magtatanim ng palay ay kinukuwentuhan ni Gabriel si Mang Simon ng tungkol sa mga salita ng Diyos. “ Ang bawat tao ay may kanya-kanyang relihiyon. Tignan mo ang mga kastila, pilit nilang ipinapalaganap ang kristiyanismo. Nang makipagkalakalan noon ang mga Arabe, ipinalaganap nila ang Islam. Marami pang darating sa mundo, pero iisang Diyos lamang ang sinasamba. Kahit tayo’y naghihirap, ang relihiyon ang pinakamahalagang aspeto ng buhay at hindi ang salapi. Nilikha ang tao para sa tao dahil ang presensiya ng Diyos ay nasa bawat tao”. Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan at dito’y lalong lumalalim ang pagkatuto ni Mang Simon ukol sa mga aral ng Diyos.

Halos ilang taon na ring naninirahan si Gabriel kay Mang Simon, malaki na ang ipinagbago ng kanilang pamumuhay. Biglang dumating ang araw na nagkakagulo ang mga tao. Nasa palayan sina Mang Simon, Gabriel at ang iba pang magsasaka. Umilaw muli ang dibdib ni Gabriel at umangat sa lupa. Lumabas ang kanyang malalabay na pakpak at nagwikang, “ paalam na Mang Simon. Natukalasan ko na ang mga katotohanang hindi nakikita ng malalabo kong mga mata. Pinarusahan ako ng panginoon subalit ngayo’y pinatawad na niya ako.” Natigilan si Mang Simon at ilang saglit ay napatanong, “ anong katotohanan iyon?” Ang mahahalagang bagay na hindi ko nakikita sa inyong mga tao. Sa pagtira ko sa inyo ay naramdaman ko na may “pag-ibig” sa kaibuturan ng inyong puso. Kahit gaano kayo kailap sa tao, hangga’t ang damdamin ay dinidiktahan ng Diyos, ay may malasakit pa rin. Ang lahat ay pantay- pantay na nilikha ng panginoon subalit nananatili ang bawat tao na hindi pantay-pantay sa mundo dahil sa hindi nila binubukasan ang puso nila sa isa’t isa. At ngayon, palalayain na kayo ng inyong mga kaaway. Unti-unti nilang natutunan na magbukas ng puso sa inyo. Magpatuloy ka sa pamumuhay mong naituwid na. Paalam”. Hindi makapaniwala si Mang Simon sa nangyari, bigla siyang nagising. Yun pala’y nananaginip lang siya. Sa kanyang pagbibihis ay may nakita siyang naiwang balahibong puti na animo’y galling sa anghel. At siya’y sumilay sa langit , pagkalipas ng ilang minuto ay narinig niya ang mga ingay ng tao. Nagbubunyi sila at nagsisiya. “ Malaya na tayo sa mga kastila! Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang Pilipino! Napasambit siya, “ Salamat panginoon ko!”





**************************WAKAS*******************************

Matalik na Kaibigan

By: Lara Alexa Malveda
BSN 2-5

Araw-araw ng gawain ni Rita at ng kanyang matalik na kaibigan, si Manuel, ang magsimba o dumaan sa simbahan bago pumasok sa eskuwela. Ito ay nakagawian na nila, bata pa lamang sila. Kahit sila ay nasa kolehiyo na ay ginagawa pa rin nila ito. Para sa kanila ay hindi kumpleto ang araw ‘pag hindi siya nakapunta sa simbahan o ‘pag hindi makausap ang Diyos na itinuturing din nilang matalik na kaibigan.
Sa ekswela, ay may isang grupo ng mga lalaki, kung tawagin ay ‘tropa peepz’, ang laging lumalapit kay Manuel. Niyaya nila si Manuel na sumama sa kanila ngunit hindi niya magawang sumama dahil sa baka kung ano ang isipin ni Rita. Kilala kasi ang grupo sa pagiging magulo at pasaway. Katunayan laging sinasabi ni Rita “Ba’t ba ganyan yang tropa peepz na yan kahit sa simbahan e ang kukulit?! Di na nahiya eh! Kainis! ”. Lagi kasi nila nakakasabay ang mga ito sa pagsimba tuwing linggo ng gabi. Si Rita kasi ang tipo ng babae na relihiyoso at napakabait, kaya naman basta may makita na magulo sa simbahan ay agad itong naiinis dahil nakakabastos daw ang mga ito.
Araw-araw na nilalapitan ng grupong tropa peepz si Manuel at unti-unti rin siyang napalapit sa mga ito. Si Rita naman ay agad na napansin ito dahil sa madalas ay ito na ang mga kasabay ni Manuel sa pananghalian. Dahil dito ay araw-araw ding pinagdasal ni Rita na tama sana ang sinamahang grupo ng matalik niyang kaibigan. Madalas niyang idasal: “Panginoon ko, patawarin niyo po si Manuel sa pagsama niya sa mga iyon, Nawa’y gabayan Niyo po siya at ang kanyang desisyon na sumama sa grupo na kahit sa inyong tahanan ay talagang pasaway at di nahihiya. Salamat po”
Kahit naman sumama na si Manuel sa tropa peepz ay hindi pa din siya nakakalimutan nito at ang gawain nila bago pumasok at pinagpapasalamat niya ito sa Diyos.
“Buti na lang bespren di mo pa nakakalimutan ang gawain natin tuwing umaga. Alam ko kasi na lagi ka nang puyat at gabi umuwi dahil sa pagsama mo sa mga gimik ng mga yun. Sana naman e wala kayo ginagawang masama.” sabi ni Rita.
“Ano ka ba naman? Siyempre, wala ako ginagawa masama dahil alam ko magagalit ka! Takot ko na lang sayo. Hehehe.” pagbibiro ni Manuel.
“Huwag ka sa akin matakot Manuel, sa Diyos. Pinaaalalahanan lang naman kita eh.” ani ni Rita. Hindi na sumagot pa si Manuel at pumasok na sila sa eskwela.
Napapadalas na nga ang pag-uwi ni Manuel nang gabi. Hindi rin niya alam pero ginagawa na din niya ang ginagawa ng barkada tulad nang pag-iinom at paninigarilyo. Siyempre, itinago niya ito kay Rita.
Isang umaga nang magsimba sila ay iba ang kinikilos ni Manuel. Parang lasing ito at di maintindihan ni Rita ang pagiging makulit nito kahit nagmimisa na. Ilang araw ay ganito pa din ang kinikilos ni Manuel.
“Manuel, ano ka ba?! Napagaya ka na ba diyan sa mga kaibigan mo? Ang kulit mo! Hindi ka na nahiya sa Diyos sa tahanan ka pa niya nanggugulo! ”galit na sabi ni Rita.
“Ba’t ka ganyan? Akala ko ba e nakikisama ka lang sa mga yun at di mo ginagawa ang ginagawa nila! Pero tingnan mo ngayon, lasing kang nagsisimba! Nasa’n na ang matalik kong kaibigan na may hiya, pananalig at takot sa Diyos? Mukhang naglalaho na ang pananalig mo! ‘kaw pa ang nagsabi sa akin noon na masama ang mag-inom dahil magagalit sa ‘tin ang Diyos ngunit nag-iba ka na. Parang hindi ka na natatakot sa Kanya! Mahiya ka naman sa mga pinag-gagagawa mo!” malungkot na dugsong pa ni Rita.
Parang biglang bumalik sa katinuan ang isip ni Manuel nang makitang galit na galit ang mukha ni Rita at mangiyak-ngiyak na ito. Niyakap niya ito at humingi ng tawad dito.
“Huwag sa akin, sa Diyos ka humingi ng tawad Manuel”
Kinabukasan ay nauna pa si Manuel sa kanya sa hintayan nila malapit sa may simbahan. Nagulat at nagtaka siya. Malungkot siyang tinitigan nito.
“Rita, salamat! Kung hindi dahil sa mga sinabi mo eh hindi pa ata ako magigising sa kalokohang ginagawa ko. Patawarin mo at ng Panginoon ang mga nagawa ko. Hindi ko sinasadyang maglihim sayo Rita. Napagisip-isip ko na tama ka, nag-iba ako pero pipilitin kong ibalik sa dati ang lahat. Nakakahiya nga ako dahil nagpadala ako sa tukso. Natatakot akong mawala ka at ang isa pa nating matalik na kaibigan, ang Diyos. Pangako, babawi ako sa iyo at sa Kanya! ” sabi ni Manuel na niyakap siya nang mahigpit.
Natuwa siya dahil mukhang sinsiro talaga itong humihingi ng tawad. “Panginoon ko, patawad sa lahat ng kasalanan ko. Hinding-hindi na ako magpapadala sa mga tukso.” paulit-ulit na dasal ni Manuel.
Alam ni Manuel na mabait naman ang tropa peepz kaya hindi niya iniwasan ang mga ito, sa halip ay unti-unti niyang binago ang mga ito. Nagtagumpay siya dahil ang ilan ay nailalapit na niya sa Diyos at tumitigil na sa mga bisyo at kalokohan. Natuwa si Rita dahil sa ginagawa ng kaibigang ilapit ang barkada sa Panginoon. Sadyang nagbago nga ang mga ito at pinasalamatan niya ang matalik na kaibigan dahil siya ang naging intrumento ng Diyos upang baguhin ang barkada.
At sa paglipas ng panahon ay ang lahat nang miyembro ng tropa peepz ay nagbago at nagkaroon ng pananalig sa Panginoon. Nakagawian na rin nang buong tropa peepz ang magsimba araw-araw bago pumasok. Katunayan ay kasakasama na nila Rita ang mag ito. Kinatuwa ng lahat yon, lalong-lalo na ang dalawang matalik na magkaibigan.
“Salamat matalik naming kaibigan, aming Panginoon!” masayang sabi ni Manuel at Rita.

Wednesday, July 16, 2008


ANG ALAMAT NG TEDDY BEAR
by: Rikka Marie D. Mendoza


Noong unang panahon may isang pamilya ang naninirahan malapit sa kakahuyan. ito ay ang pamilya ng Bearitte. Si Bea Bearitte ang ilaw ng tahanan.Siya ay isang mabuting ina at asawa sa ka niyang pamilya. Siya ay simpleng may bahay at siya ri ang isang mananahi. Si Bea ay may dalawang anak na si Tifany na pitong taong glang at si Ben na siyam na taong gulang. Sila ay pumapasok sa Paaralan. Sila rin ay mababait at masunuring anak. Namana nila ang kabaitan sa kanilang mapagmahal na ina. Si Ted ang ama na tahanan ay isang responsableng ama at asawa sa kanyang pamilya. Ang pamilya ng Bearitte ay imahe ng maganda at masayang pamilya. Kahit anung hirap ng buhay ay nilalampasan nila ng sama sama at talaga namang nagkakasundo sila sa lahat ng bagay.

Sa paglipas ng panahon unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Ted sa kanyang pamilya simula ng mapasama siya sa mga grupo ng mangangaso. Naimpluwensyahan siya ng mga iyon lalo na sa pag-uugali. Siya ay nagkaroon ng bisyo at nawala na ang pagiging responsable niya sa kanyang pamilya. Gabi gabi siyang umiinom ng alak at pag nalalasing ay ibinabaling ang galit sa kanyang asawa o sa dalwang anak. Hindi nag tagal lumayo ang loob ng kanyang anak sa kanya. Kahit ganun siya umaasa pa rin ang kanyang may bahay na si Bea na siya ay muling magbabago at babalik sa dati. Matiyagang inaalagaan pa rin ni Bea ang kanyang asawa kahit halos ipagtabuyan na siya nito.

Natutong mangaso si Ted dahil ng kanyang naging kaibigan. At sa paglipas ng araw lalo siyang nawiwili pumatay ng hayop. Tuwang tuwa siya kapag siya ay nakakabaril ng iba't ibang klase ng hayop lalo na kung oso ang kanyang nabaril o nahuli. Sa bawat araw na lumilipas lalong dumarami ang hayop na kanyang napapatay. Mas pinagbuti ni Ted ang pangangaso ng oso. Araw araw nakakahuli o nakakapatay siya ng batang oso.

Sa pagkawili ni Ted sa pangangaso napabayaan na niya ang kanyang trabaho kaya naisipan ni Bea na lalong pag-igihin ang kanyang pananahi para kumita at para rin sa kanilang kinabukasan. Awang awa sina Tifany at Ben sa kanilang ina kaya kinamuhian nila ang amang napariwara. Galit rin sila sa ginagawa ng kanilang amang pagpatay sa mga hayop.

Isang araw sa pangangaso ni Ted inabot na siya ng gabi ngunit la pa rin siyang nahuhuling hayop. Kahit gabi na pinagpadsyahan pa rin ni Ted na maglakad lakad pa para maghanap. Ilang sandali lang ay nakakita siya ng batang oso malapit sa kweba. Tuwang tuwa si Ted dahil naicip niya madaragdagan na naman ang bilang ng osong nahuhuli o napapatay niya. Nang babarilin na niya ang oso nagpalit ito ng anyo at naging diwata. Galit na galit ang diwata kay Ted dahil sa mga pinag gagagawa nito at dahil na rin sa pagpatay ng hayop. Kaya isinumpa ng Diwata si Ted na magiging kahawig ng oso ngunit walang buhay. Ilang sandali lang ay nangyari na ang sumpa.

Nang kina umagahan at hindi pa umuuwi si Ted napagpasyahan ni Bea na hanapin si Ted. Mag gagabi na ngunit hindi pa rin nila nahahanap si Ted. makalipas ang ilang sandali ay nagawi sila malapit sa kweba at doon nakakita sila ng manikang oso. Napaluha si Bea at ang kanyang mga anak dahil naramdaman at naalala nila si Ted. Inuwi na lang nila ang manikang oso at sinanay ang kanilang sarili na wala na si Ted.

Sunday, July 13, 2008

ALAMAT NG BLUSANG ITIM



Sa isang mayamang pamayanan sa ibaba ng di kilalang bundok nakatira ang isang matandang dalaga na nagngangalang na Maria. Wala ng natitirang kamag – anak si Maria at umaasa na lamang sa tulong ng mga taong nagmamalasakit sa kanya. Malakas pa at nakakapag – trabaho pa paminsan – minsan ang matandang dalaga.

Isang gabi sa kanyang pag – uwi ay natanaw niya ang isang dalagang umiiyak sa harapan ng kanyang tahanan. Kinausap niya ang umiiyak na dalaga ng walang pag – aalinlangan at mabvilis na nakagaanan ng loob. Nagpasya ang matanda na kupkupin ang kawawang dalaga.

Kinaumagahan, muling nagkausap ang matanda at ang dalaga. Nagkwento ito ng tungkol sa kanyang buhay. Ulila na ang dalaga at tanging ang nibyo na lamang niya ang kanyang nakakasama. Sa pagsapit ng kasal ng dalawa ay di dumating ang nasabing binata at hindi na muling napakita pa sa dalaga kaya nagpasya na lamang siyang magpakalayu – layo hanggang sa mapadpad sa lugat ng matanda.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkapareho ng sinapit si Maria at ang dalaga. Lubos na naawa ang matanda. Sa kagustuhan na makapaghiganti ay ibinigay ng matanda sa dalaga ang isang blusang itim at sa tuwing isinusuot niya ito na nagiging lubos ang kanyang kagandahan at maraming mga kalalakihan ang tunay naman na nahuhumaling sa kanyang ganda.

Marami siyang mga napaglaruan, nasaktan, pinaluha at iniwan. Ito ay sa pag-aakalang dapat nilang maramdaman ang sakit na naidulot sa kaya ng pagmamahal. Sa ganito ring paraan ay naisip niyang lubos ang kanyang magiging kasiyahan.

Napansin ng matanda ang isang napakalaking pagbabago mula sa noon ay isang simpleng dalaga. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa mga kilos na talaga naming lubos niyang pinagtakhan. Pinaalalahanan ng matanda ang dalag sa mga nagging masamang epekto ng blusa sa kanyang pagkatao. Ngunit hindi pa rin natinag ang dalaga dahil hindi pa lubos ang kanyang kasiyahan. Hanggang sa makilala niya ang isang binatang muling nagpaibig sa kanya. Ngunit sa banding huli ay siya ang muling napaglaruan, nasaktan, lumuha at muling naiwan na nag – iisa.

Napagpasyahan na lamang niyang ibalik muli ang blusa sa matanda at nagsimula ng panibagong buhay na walng hinanakit, galit at paghihiganti sa kanyang puso. Sa ganitong paraan niya natagpuan ang tunay na kasiyahan sa buhay.

Hanggang sa isang araw ay may dalawang lalaki na kumatok sa pintuan ng kanilang tahanan. Bumungad sa kanyang harapan ang lalaking noon ay nang – iwan sa kanya at ang matandang lalaki na siya palang dating kasintahan ni Maria.

Lubos ang pagsisisi ng dalawang lalaki sa kanilang nagging pasya noon na sila ay iwan ngunit dahil sa matinding pagmamahal ni Maria at ng dalaga ay muling naibalik ang kanilang noo’y masayang pag – iibigan. Hindi nagtagal ay nagpakasal din ang dalaga at binata at masayang namuhay kasama si maria at ang matandang lalaki.

Sa araw ding yaon ay napagpasyahan nilang sunugin ang blusa upang kahit kalian ay din a muling nagdulot ng sakit at pighati s isang pagmamahalan.




By: Crizza V. Magpantay, BSN 2-5

Shoutout ni Tanya : Maikling Kwento

Shoutout ni Tanya
By Dana Dolor Montecillo


Kaunting minuto na lang at mag-aalas dose na ng hatinggabi. Hanggang sa sandaling ito ay hindi pa umaalis si Tanya sa pagkakaupo niya sa harap ng computer dahil abalang-abala siya sa pagpi-friendster at pagcha-chat sa YM; marami siyang ka-chat at marami siyang binibigyan ng comment, ito ang mga bagay na kinahihiligan niya. Sa tuwing makatatanggap siya ng comment, wala pang isang minuto ay naka-reply na agad siya, at mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-reply niya sa YM. Sa tagal na niyang pag-aadik sa mga bagay na ito sa internet ay naging bihasang bihasa na siya sa pagta-type. At dahil rin sa Friendster at YM, kahit hindi sila tinuruan ng HTML nung nasa hayskul pa siya ay masasabing para siyang nag-aral ng paggamit nito; magandang maganda ang kanyang profile, maraming mga dekorasyon, makulay, at tumutunog-tunog pa.

“Tanya, gising na! Mahuhuli ka sa eskwelahan”, ang sigaw ng nanay ni Tanya mula sa pintuan ng kanyang silid. Walang kibo si Tanya, patuloy pa rin ang kanyang pagtulog. “Ineng, ano papasok ka ba? Tanghali na, maghanda ka na, kung ano-ano kasing pinaggagagawa mo kagabi eh, anu bang napapala mo diyan sa computer na iyan, lumalaki lang ang eyebags mo diyan eh. Hala, sige bangon na.” Pumasok na sa loob ng silid ang nanay ni Tanya at hinigit-higit na ang kumot ni Tanya; bumalikwas lang si Tanya sa kanyang pagkakahiga at himbing na himbing pa rin siya. Paulit-ulit ang panggigising ng kanyang ina hanggang sa puntong nagising na rin siya, halos inabot ng dalawampung minuto ang gisingan na naging dahilan ng kaunting oras na nalalaan sa paghahanda niya pagpasok. Nagmadaling maligo, magbihis, at kumain si Tanya, pati paglalakad niya ay bumilis rin. Ngunit sa kasamaang palad, sa kabila ng kanyang pagmamadali ay huli pa rin siya sa una niyang klase. Nang dumating siya ay nagpapaalam na ang propesor at nagtatayuan na ang kanyang mga kaiskwela. Sinalubong na lamang niya ang kanyang mga kaibigan sa may pintuan ng silid-aralan. “Huy mga prends! Ano kamusta naman ang klase?” tanong ni Tanya. “Ayun, wala ka sa klase haha..” ang sagot ni Bren. “Bakit ba nahuli ka?” tanong ng mga kaibigan. “Haha, ano pa ba eh di nag-adik ako kagabi, todo friendster ulit.. Hoy mga bruha’t bruho, comment ko mamaya ha!” ang sabi ni Tanya. “Oo na, oo na.” At nagtungo na sina Tanya at mga kaibigan niya sa susunod nilang klase.

Pagkatapos ng mag-hapon at pauwi na si Tanya at mga kaibigan ay biglang may narinig silang ring ng telepono; iyon ay tunog ng cellphone ni Tanya. Sinagot niya ito. “Oh Ma, ha? Ano? Nasa simbahan kayo? Pupunta ako diyan? Naku, Ma.. magre-research kami eh, next time na lang po ha?, O sige bye Ma.” At pinindot na ni Tanya ang END CALL sa cellphone. “Ano? Tanya! may kailangan tayong i-research, haaaa.. panu yon… bakit hindi ko alam!” Ang gulat na gulat na tanong ni Emma. “Emma relax, wala tayong takdang aralin na kailangang i-research, tinatamad lang ako pumunta sa simbahan; hala tara na friendster tayo sa bahay!” At nagtungo na nga sila sa bahay nina Tanya.

Ang nanay ni Tanya ay talaga namang napaka-relihiyoso kaya naman nang isang gabi pagkatapos kumain ng pamilya ay niyaya niya si Tanya na mag-rosaryo. “Tanya, halika sabayan mo akong manalangin.” “Ma, madami akong homework eh, ang haba-haba pa ng rosaryo mas mahaba pa ata sa takdang aralin namin.” Sagot ni Tanya. “O e ang ikli naman pala ng homework mo eh, e di sabayan mo na ko, minsan ka lang tawagin ng Diyos eh!” “Ma naman, baka hindi ko matapos ang assignments ko.” Ang tutol pa rin ni Tanya sa kanyang ina. Di naglaon ay pumayag na rin ang nanay ni Tanya at pinaakyat na niya si Tanya sa kanyang silid.

Pagkaakyat ni Tanya sa kanyang silid ay naupo siya sa kanyang study table, binuklat niya ang kanyang kwaderno at hinanap ng mata ang takdang aralin para sa araw na iyon. “Magdala ng dyaryo, typewriting, glue at gunting, at pag-aralan ang pagsulat ng liham.” Iyon ang tanging nakasulat sa kanyang kwaderno. Hinanda niya ang mga nakasaad ng wala pang limang minuto at nagtungo na sa kanyang computer table. At nag-friendster siya hanggang siya ay antukin, hindi na siya nakapag-ym dahil hindi naman online ang kanyang mga ka-chat malamang ay gumagawa ang mga ito ng takdang-aralin. Ang ganitong sitwasyon ay natural na kay Tanya, sa tuwing siya’y aanyayahan ng kanyang ina ay palagi itong tumatanggi. Palagi siyang may dahilan kung bakit hindi niya magagampanan ang dapat niyang gampanan.

Dumating ang panahon na nagpaiwan si Tanya sa kanilang bahay at hindi sumama upang sumimba at bumisita sa mga ka-anak, dinahilan niyang mayroon siyang mahalagang proyekto na kailangang tapusin. Gaya ng dati, ito ay pawang walang katotohanan; ang kanyang oras ng pag-iisa ay inilaan na naman niya upang mag-internet. Hanggang sa nagsimulang dumilim ang paligid, natakluban ng maiitim na ulap ang kalangitan at tuluyang nawala ang sikat ng araw at nagsimulang pumatak ang malalaking patak ng tubig. “Hayan umuulan, mas masarap mag-internet pag umuulan at masarap rin matulog, ang saya nito!” Ang sabi ni Tanya sa kanyang sarili. Nagpatuloy si Tanya sa pag-iinternet, at wala siyang pakialam sa paligid ng biglang umitim ang kanyang monitor, namatay ang CPU at tumigil sa pag-ikot ang bentilador. “Ahhhh, brownout asar!” Ang sigaw ni Tanya at pagkasigaw na pagkasigaw ni Tanya ay kumalabog ang kalangitan, nayanig ang kalupaan. Ramdam na ramdan ni Tanya ang nagngingitngit na panahon, nagsimula na siyang mabalutan ng takot, madilim ang loob ng kanilang bahay at kitang kita na niya ang pagkislap ng liwanag mula sa kidlat. Sinubukan niyang sumilip sa labas ng kanilang bahay kung makakayanan niyang pumunta sa kapitbahay at dun muna manalagi para siya ay may kasama ngunit lubhang nakakatakot ang kanyang nakita. Rumaragasa ang tubig mula sa mga kanal na umapaw, ang mga basurahan pati na ang mga laman nitong basura ay nadadala ng malakas na agos; ang mga puno ay mistulang matutumba sa lakas ng ihip ng hangin, mayroon ring nakita si Tanya na mga butil ng yelo na pumapatak sa may bintana, at nang tumingin siya sa itaas ay nakita niya ang guhit ng mga liwanag na kalat sa kalangitan. Minsan lang mangyari ang ganito sa lugar nina Tanya at unang beses niya itong maranasan kaya’t matindi ang bumalot sa kanyang takot at pangamba. Sa kabila ng kanyang takot ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, tangan ang kanyang dilaw na payong ay tinawid niya ang pagitan ng pinto ng kanilang bahay hanggang sa kanilang gate, nilusong niya ang rumaragasang tubig papunta sa kanilang kapitbahay na si Aling Nena, na noong bata pa siya ay siyang nag-aalaga sa kanya kapag umaalis ang kanyang ina. Nasa kalagitnaan siya ng kalsada, siya’y nagmistulang lantang halaman na halos madala ng ihip ng hangin at malunod sa napakalaking alon ng tubig; nang biglang tumumba ang isang puno ng saging at humarang sa kanyang daraanan, sinubukan niyang lumingon sa kanyang pinanggalingan at bumalik sa kanilang bahay ngunit sa likod niya ay naroroon na ang iba ibang piraso ng kung anu-anong sanga ng punong kahoy, mga basura, at kung anu ano pang mga bagay na naging sanhi ng pagkasarado ng kanyang daraanan. Hindi makaalis sa kanyang pwesto si Tanya, maging ang payong niya ay bumigay na, bumaliktad ito at siya ay tuluyang nabasa, siya ay lalong kinabahan, kasabay ng pagagos sa kanyang katawan ng tubig ulan ay ang kanyang mainit na luha. Hindi na niya alam kung anong gagawin, sumigaw siya “Aling Nena! mga kapitbahay! Tulungan niyo ko!” ngunit walang makarinig sa kanya, ni wala siyang natatanaw na ibang tao sa labas at lalo pang lumalakas ang ulan.

Takot na takot na si Tanya at naglalaro na sa kanyang isipan ang mga kalunos lunos na bagay na maaaring mangyari sa kanya, maaaring lalong dumami ang tubig at siya’y malunod, matumbahan ng malalaking mga puno at ang pinaka-nakakatakot sa lahat ay ang posibilidad na matamaan siya ng kidlat sa kanyang kinatatayuan. Isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga oras na tinanggihan niya ang Panginoon, ang mga oras na nagsinungaling at tumanggi siya sa kanyang ina, lahat ng mga pangyayari noong hindi man lang siya naglaan kahit kaunting oras para sa Panginoon ay unti unting bumabaon at naghahatid ng sakit sa kanyang puso. Sumagi sa kanyang isip ang palaging sinasambit ng kanyang ina tuwing inaanyayahan siyang manalangin, na ang tanging makatutulong sa mga tao ay ang Panginoon kailangan ng tao na magbigay ng oras sa Panginoon at ibalik sa Kanya ang pagmamahal na ibinigay sa lahat.

Nagaalinlangan siya ng oras na iyon na tumawag sa Panginoon, inaalala niyang baka hindi siya marinig ng Panginoon, baka sa kadahilanan ng kanyang pagtalikod sa Panginoon ay tinalikuran na rin siya nito. Ngunit wala na talaga siyang magawa upang mailigtas ang sarili, umaakyat na ang tubig, lumalampas na ito sa kanyang tuhod at siya’y nanginginig na sa lamig. Ginawa na niya ang kanyang matagal na hindi ginagawa; nanalangin siya ng mataimtim at kinausap ang Panginoon, “Panginoon, patawarin Mo po ako sa aking mga pagkakasala, maraming pagkakataon na akong tumalikod at tumanggi sa pagtawag Mo, ngayon po ay sinusubukan kong lumapit sa Inyo at humingi ng kaligtasan. Iligtas Nyo po ako mula sa kapahamakan, ako’y nagkamali at nabigong sumunod sa Inyong kagustuhan.” Patuloy ang pagbuhos ng ulan, pagkidlat at pagkulog.. lalong dumidilim ang paligid, ang tanging liwanag na makikita ay ang kidlat sa kalangitan. Lingid sa kaalaman ni Tanya na sa malayo ay marami pang mga putol na punong kahoy ang dala-dala ng rumaragasang tubig, papalapit na ito papunta sa kanya, at di nagtagal ay tumama sa kanya ang mga ito. Natumba si Tanya at siya’y lumubog sa ilalim ng putikang tubig baha. Dumilim ang paligid.

Dinig na dinig ang pag-iyak ng ina ni Tanya habang yakap-yakap siya ng kanyang asawa. “Mama, tama na ang iyong pag-iyak; ganyan talaga ang buhay ng mga nilalang dito sa lupa, hindi mo alam kung hanggang kailan ang ipamamalagi mo sa mundong ibabaw. Tahan na, Tahan na.” ang mahinahong sambit ng ama ni Tanya. Patuloy ang paghagulhol ng nanay ni Tanya.

“May umiiyak.” Sabi ni Tanya. “Sino kayang umiiyak? Mama?” Pumunta si Tanya sa sala at doon ay nakita niya ang kanyang mga magulang, halatang halata ang bahid ng kalungkutan sa mag-asawa. “Iniiyakan na kaya nila ako? Natagpuan kaya nila ang katawan ko?” tanong ni Tanya sa kanyang isipan. Lumapit siya sa kanyang mga magulang at.. “Oh Tanya! Si Batik… si Batik .. wala na si Batik.” Ang hagulhol ng kanyang ina. “Si Batik?” ang tanong ni Tanya. Si Batik ang paboritong tuta ng ina ni Tanya, ito’y nabasa sa ulan at nagkasakit at sa kasamaang palad ay namatay. “Buhay ako? Teka ano yung mga pangyayari kanina?” Ang takang-takang tanong ni Tanya sa sarili. “Tanya! Ba’t ka na nakaluhod?” ang tanong ng kanyang ama.

Si Tanya ay napaluhod sa tuwa at galak, ang lahat ng kalunos-lunos na mga pangyayari ay naganap lamang sa kanyang panaginip. Higit ang kanyang pasasalamat sa Panginoon at walang nangyaring masama sa kanya. Tumayo sa kanyang pagkakaluhod si Tanya at nagmadaling pumunta sa kanyang kuwarto, binuksan niya ang kanyang AVR at CPU at dali daling nag-login sa kanyang account, binuksan niya ang Mozilla Firefox at pinalitan agad ang address sa browser, pinalitan niya ito ng www.friendster.com at tuloy nag-login. Pinindot niya ang “post shoutout” at kanyang inilagay: “Tayo’y lumapit sa Panginoon sa tuwing tayo’y Kanyang tinatawag at tayo’y maliligtas.” Pinindot niya ang "Submit" at biglang lumabas: Shoutout posted!

Saturday, July 12, 2008

Alamat ng Sapatos


Noong unang panahon sa isang liblib na lugar kung saan wala pang komunikasyong transportasyon, may isang binata na nagngangalang Tos. Pagsasaka ang ikinabubuhay nila. Mabait, masipag at nutihing anak ssi Tos a kanyang mga magulang, kaya naman nahulog ang loob sa kanya ng kanyang kasintahang si Marikit.

Si Marikit ay anak ng mangangalakal sa kanilang baryo. Matalino at kaaya-ayang pagmasdan ang mala-dyosa nitong kagandahan kaya ganun na lang ang inggit sa kanya ng kanyang kakambal na si Ina. Tuwing dapit hapon pagkatapos ng kanilang gawaing bukid ay agad ng nagtungo sa may sapa si Tos upang makipagtagpo kay Marikit. Dito sa sapang ito ang kanilang tagpuan. Dito rin kung saan magkahawak ang kanilang kamay habang pinagmamasdan ang agos at laro ng tubig ay pinagmamasdan din nila ang kulay berdeng bulubunduking nakapaligid sa kanilang dalawa. Dito rin sa sapang ito sabay silang nangarap ng buhay na matiwasay at masaganang pamilya pagdating ng panahon na sila’y mag-isang dibdib. Ngunit hindi lahat ay aayon sa ating kagustuhan, dahil lahat tayo ay nadaan sa matinding pagsubok ng buhay.

Isang umaga habang nag-aararosa kanilang bukirin si Tos ay biga na lang siyang napsigaw, “array!” sambit ni Tos, sabay kappa sa dumurugo niyang paa. Isang mahaba at kinakalawang na pako pala ang yumusok sa kanyang paa. Itinapon niya ang pako at winalang bahala nalang ang sugat at itinuloy ang kanyang pag-aararo. Pagkauwi ng bahay nakaramdam si Tos na para bang ang bigat ng kanyang pakiramdam nakirot na rin ang kanyang paa. Kinabukasan ay hindi nakapunta sa bukid si Tos dahil sa pamamaga ng mga paa nito. Nainip naman si Tos kaya naisipan niyang kumuha ng lapis at papel. Naisip niya na kung may bagay sana na pwedeng isuot sa paa upang maproteksyunan ang mga ito ay hindi sana siya nakaratay ngayon. Nagsimula na syang dumuhit, mula sa kanyang imahinasyon ay nakabuo siya ng isang pares na may hugis paa. Tinawag niya itong “salong paa”.

Samantala, ilang araw pa ang lumipas at tuluyang lumala ang kanyang kalagayan, hanggang sa tuluyabng manghina. Nakiusap siya sa kanyang mga magulang na ipatawag ang kanyang kasintahan at ang kambal nitong si Ina. Napahagulhol na napayakap si Marikit sa kanyang nobyo at awing awa sa kalagayan ng nobyo. Pinutol ng boses ni To sang iyak ni Marikit. At sinabing “ di na ko magtatagal” sabay abot ang isang papel kung saan nakaguhit ang “salong paa”. Hiniling ni Tos na makaayos ang magkapatid na sina Marikit at Ina, at dun siya ilibing sa sapa na tagpuan nila. At ganun na nga ang ginawa nila. Mabilis na lumipas ang panahon at wala na si Tos. Naisipan ni Marikit na tumahi ng tela at gawin ang hugis na nasa larawang iginuhit ng yumaong nobyo. Mula sa tela ay sinubukan naman niya ang yaring “goma”. Bigla naisip ni Marikit na sa sapa ang kanilang tagpuan at Tos naman ang pangalan ng gumuhit kaya tinawag niya itong “sapa-tos”.

Nagtuwang ang magkapatid na Marikit at Ina para mamuhunan at magtinda ng sapatos at mula sa kanilang pangalang Marikit at Ina ay tinawag ang lugar nilang “MARIKINA”.

June Micua
Bsn 2-5

Alamat ng Usok


Sa isang malayong nayon, sa paanan ng mataas na bulubundukin ng Sierra Madre ay may isang mag-anak na naninirahan. Si Mang June ang asawa ni Aling Stef. Mayroon silang anak na si Usop. Si Usop ay makulit pero matalinong bata. Mahilig siyang maglaro sa harap ng kanilang bakuran kasama ang mga alagang aso nila.

Hindi kalayuan sa bahay na tiniturhan nila ay may matanda at malaking puno ng Acacia. Pinaniniwalaan ng mga unang ninuno nila na ito ay tinitirhan ng mga engkanto at diwata. Nagsilbing tirahan ng iba’t ibang elemento ang malaking punong iyon. Sa kabila ng paniniwalang iyon hindi mapigil si Mang June at Aling Stef sa pagsusunog ng kung ano- anung bagay malapit sa puno na humahantong naman sa makapal at maitim na usok na siyang unti- unting pumapatay sa puno.

Isang araw naisipan ni Usop na maglaro sa ilalim ng malaking puno sa di kalayuan may nakita si Usop na batang babae na umiiyak. Kaagad niya itong nilapitan at tinanong kung bakit ito umiiyak. Sabi ng batang babae kay Usop na tulungan daw sya para mapigilan ang mga magulang ni Usop sa walang humpay na pagsusunog malapit sa may puno. Binalaan si Usop na kung hindi titigil ang mga magulang niya siya ang magbabayad sa kanila. At pagkatapos noon ay biglang naglaho ang batang babae.

Kaagad sinabi ni Usop ito sa kanyang mga magulang pero tinawanan lang siya ng mga ito. Hindi nila pinansin ang sinabi ni Usop dahil akala nila gawa lang ito ng malikot na pag iisip ng bata. Patuloy pa rin ang mag – asawa sa pagsusunog, umaga’t hapon wala silang tigil. Dahil dito hindi na nakapagpigil ang mga engkanto at diwata sa sobrang galit. Bingyan ng mga engkanto ng malubhang sakit si Usop. Dahil ditto hindi alam ng mag-asawa ang gagawin. Sinumpa naman ng mga diwata na si Usop ay magiging kabayaran sa kasalanan ng kanyang mga magulang.

Isinumpa si Usop na maging usok. Hindi ito kinayanan ng mag asawa kaya binawian sila ng buhay. Simula noon si Usop ay nagging usok at mapapansin na sa tuwing may apoy si Usop ay laging nandoon.





RENE M. Manalo

Bsn 2-5

Sunday, July 6, 2008

ANG ALAMAT NG BAHAGHARI

Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila.
Inatasan sila ni Bathala na magbigay ng kulay dito sa mundo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi silamagkasundo-sundo. Sinabi ni Bathala, na magtulong-tulong at magbigayan sa lahat ng oras sa isa't-isa ngunit hindi nila ito ginagawa. Patuloy silang hindi nagkakasundo sa iba't ibang bagay. Palagi silang nagkakaroon ng kumpitensya sa isa't-isa lalo na sa oras ng kanilang trabaho. Sabi ni Luntian, "Ako ang pinakamaraming nagawa dito kaya nararapat lamang na ako ang mabigyan ni Bathala ng gantimpala." Ngunit sumagot si Bughaw, "Anong sinasabi mo dyan na ikaw ang maraming nagawa? Hindi hamak na mas marami ang ambag ko kaysa iyo. Tingnan mo na lamang ang karagatan at ang kalangitan, at iyong makikita ang aking pinaghirapan kung kaya ako ang nararapat na mabigyan na sinasabi mong gantimpala." Ngunit hindi pa natapos ang alitan, bagkus ay lalo pa itong lumala dahil nakisali sa usapan ang iba pang mga kulay. Nagpapagalingan sila ng nagpapagalingan. Pasikatan ng pasikatan at walang nagpapatalo. Gusto nilang lahat na mabigyan ng gantimpala, kaya lalong tumindi ang kanilang kumpitensya. Nagkagulo sila dahil sa kanilang pagtatalo.
Narinig ni Bathala ang nangyayari, ang pagtatalo ng mga kulay. Dahil dito, nagalit si Bathala. Pinarusahan sila nito. Sinabi niya, "dahil hindi kayo magkasundo, paparusahan ko kayo ng ayon sa inyong kagustuhan.Dahil palagi kayong magkakakumpitensya, gusto kong malaman ninyo ang kahalagahan ng kooperasyon sa isa't-isa. Ang kahalagahan ng bawat isa sa inyo. Mula ngayon hanggang sa habang buhay. Gagawin ko kayong isa upang nang sa gayon ay maramdaman ninyo ang inyong kahalagahan at kagandahan ng bawat isa sa inyo."
Kung kaya, pinagsama ni Bathala ang pitong kulay. Pinagdikit dikit niya ang mga ito. At dahil sa sobrang nagalit si Bathala kung kaya siya ay nahabag sa pagiyak. At nagtago ang mga kulay sa takot kay Bathala. Lumabas na lamang sila pagkatapos umiyak ni Bathala. Ngunit laking gulat nila nang sila'y lumabas ay dikit-dikit na sila. Hindi na nila mapaghiwalay ang kanilang mga sarili kahit anong pilit nila. At nalaman nila na mula sa pito, sila'y naging isa.
Sa pangyayaring iyon, sinasabing si Bathala na kanilang hari ay nahabag.
Kung kaya ngayon, ang habag na hari na pinagmulan ng mga ito ay sa paglaoy naging bahaghari.Ang pitong kulay ay tinawag na bahaghari.
Mapupuna natin ngayon na ang bahaghari ay lumalabas na lamang pagkatapos ng ulan na nangangahulugang pagiyak ni Bathala. At makikita natin dito ang pitong kulay na naging isa na hanggang sa ngayon ay tinatatawag nating BAHAGHARI.


KENNETH MONTEROLA BSN2-5

Alamat ng Ibon

by: Naika Vinnela L. Manaig

Sa baryo pinagpala, may isang batang lalaki ang naninirahan na nagngangalang Ivo. Si Ivo ay hindi normal na bata, mayroon siyang kapansanan, hindi siya nakakalakad. Buong araw siyang nasa kanilang bahay ngunit nakakatulong siya sa kanyang pamilya. Tuwing umaga, siya ay nagbubunot at naglalampaso gamit ang kanyang dalawang kamay, tumutulong din siya sa pananahi na inihahatid ng kanyang ina sa bayan upang pagkakitaan. Matalinong bata si Ivo kahit hindi siya nakakapag-aral ay marunong siyang magbasa at magsulat sa tulong narin ng kanyang kuya Rene, ang kanyang nakatatandang kapatid. Tuwing dapit hapon naman, tinatanaw na lamang niIvo ang mga batang naglalaro sa harap ng kanilang bakuran.
Isang araw, nakaupo si Ivo sa harap ng kanilang bakuran, habang naglalaro ng habulan ang mga bata.
"Tara laro tayo?", alok ng isang batang babae kay Ivo.
"Hindi ako pwede sumali." malungkot na tugon ni Ivo.
"Bakit?" nagtatakang tanong ng isa pang batang lalaki na si Jerik.
Biglang tumawa ng malakas ang batang kasali rin sa naghahabulan na si Sophia.
"Ha! Ha! Ha! Pilay kasi!" kutya ni Sophia.
"Kawawa ka naman?, Di mo kami mahahabol kapag sinama ka namin sa habulan", dagdag ni Reann.
Nagtatawanan ang lahat kay Ivo.
"Tumigil na nga kayo!, nakakaawa na nga siya!", sabi ng isang batang babae na si Naika.
"Ha! Ha! sige damayan mo yang bago mong kaibigan na isang pilay", pahayag ni Sophia.
"Oo nga, magsama kayo! Ha! Ha! tara na nga baka mahawaan tayo ng pagiging pilay", aya ni ni Reann sa mga kaibigan.
"Paalam pilay! Pilay! Pilay!", dagdag ni Jerik.
Tumatakbong palayo ang mga salbaheng bata, naiwan si Ivo na umiiyak at habang pinapatahan ni Naika.
Buong magdamag na dinamdam ni Ivo ang pangyayari noong hapon. Isang diwata ang nakarinig sa taghoy ni Ivo.
"Anong nangyari?", tanong ng diwata sa isang napakalamyos na tinig.
"Sino po kayo?", gulat na tanong ni Ivo sa diwata.
"Isa akong diwata sa inyong kagubatan", pakilala nito. ikinuwento ni Ivo ang pangyayari, at habag na habag ang diwata sa kanyang narinig.
"Gusto mo bang makalaya sa iyong sitwasyon? Ngunit ito ay may kapalit na sakripisyo.", paliwanag na alok ng diwata.
"Ano pong sakripisyo? Ngunit nais ko na pong wag kutyain ng aking kapwa mga bata", nag-aatubili ngunit desididong sagot ni Ivo.
Ngumiti ang diwata sabay ng isang kumpas ng kamay at nagliliwanag ang buong paligid.
Kinabukasan, natataranta sina aling Dana at Rene sa paghahanap. Nakita nila ang isang balahibong puti sa higaan ni Ivo biglang nakarinig ng mga kanayon na nagkakagulo sa labas.
"Anong nilalang yun na nakakalipad?", tanong ng isang lalaki. "Napakaganda!", sabay sabay na sambit ng mga bata.
Sabay na lumabas ng bahay sila aling Dana at Rene.
"Anak ko!", iyak na sinabi ni aling Dana.
"Kapatid ko, ngayon malaya ka na.", madamdaming pahayag ni Rene at lumipas ang panaho, si Ivo ay tinawag na "IBON". Malayang lumilipad sa kalangitan tanaw ang buong sanlibutan.

alamat ng lechon

Ang baryo ay kilala sa pagiging malinis at matiwasay na lugar. dito nakatira ang magkapatid na si Len Len at Chona Valdez. Sila ay kilala sa bayan dahil sa pagkakaroon ng napakaraming baboy at aso.hindi sila maaring kaini. isang araw ay walang kaalam alam sina lenlen at chona na nasusunog ang kanilang bayan.walang nakakaalam kung saan nanggaling ito.napagtanto nila lenlen at chona na malapit na ito sa kanilang bahay.tanging nailigtas lamang nila ay ang ilang kagamitan at kasuotan.ganoon din ang ibang kababayan.matapos maapula ang apoy ay biglang umalingasaw ang isang masarap na amoy na ito ay nagdala ng gutom sa mga tao dahil sa kabanguhan nito na amoy pagkain.nagsikap silang hanapin ito.nakita nila ang mga baboy nila lenlen at chona na nasunog din at lalo nilang naamoy ang hinahanap pagkalapit sa mga baboy.napag alamang galing nga sa mga nasunog na baboy ang amoy.dahil sa gutom at amoy pagkain ito ay isa isa silang tinikman it.nasarapan ang lahat pati ang mga kapatid kaya naubos nila lahat ng alagang baboy nila lenlen at chona,.,. dahil sa pangyayaring ito ay sinimuan na nilang lutuin at kainin ang mga boy.natuwa sila lenlen at chona dahil hango sa mga pangalan nila ang itinawag dito ito ay ang lechon



MALABRIGO,GIANCARLO LEVY S. BSN 2-5

Ang Alamat ng Pulang Kabayo

By: Lara Alexa Malveda

Sa baryo Waling-saling ay kilalang kilala si Elay dahil sa husay niya mangabayo at sa husay na rin ng kanyang kabayo. Ang kanyang kabayo ay pinangalanan niyang si Che. Ito ay kakaiba sa lahat ng kabayo sa kanilang baryo dahil sa kulay nitong pula. Maraming parangal na ang natamo ni Elay dahil kay Che. Matagal- tagal na rin silang magkasama ng kanyang kabayo at maituturing na niya itong kaibigan o kapatid dahil na rin ssa mag-isa na siya sa buhay.

Marami na ring naiinggit kay Elay at Che, isa na rito ay si Bry. Si Bry ay kilala rin sa larangan ng pangangabayo. At sadyang pinaghahandaan niya ang susunod na laban nila ni Elay. “Maghanda ka Elay at siguradong matatalo ka na!” naiisip ni Bry.

Makalipas ang isang linggong paghihintay para sa nasabing kompetisyon. Maagang nagising si Elay ng araw na ‘yun upang pakainin at paghandain si Che sa laban. Ngunit nang puntahan niya ang kwadra nito ay wala ito doon. Nagulat at nagtaka si Elay. “Che, Che, asan ka?” tanong ni Elay ngunit ni isang tugon o padyak ng kabayo ay wala. Nataranta si Elay at sinikap na hanapin si Che sa kung saan-saan. Nabigo siya at hindi na umabot sa kumpetisyon. Nanlumo siya sa pagyayabang ni Bry. “Ano, Elay, ba’t hindi kita nakita kanina? Natakot ka ba sa akin? Hahaha ”ang sabi ni Bry. “Nawawala si Che!” malungkot na sagot ni Elay. “Ano?! Iniwan ka na ng magaling mong pulang kabayo! Bwahaha ” sabi ni Bry sabay talikod na may nakalagay na malawak na ngiti sa labi.

Kinuha sadya ni Bry si Che upang ikulong at saktan ito nung gabi bago magkumpetisyon. Namatay si Che tatlong araw pagkatapos mabugbog ito. Nagtaka na lamang ang tauhan ni Bry na wala ang patay na katawan ni CHe kinabukasan at isang baldeng puno ng likido ang natagpuan nila. Inutos ni Bry na dalhin nila ito sa pintuan ni Elay.

Laking gulat na may halong pagtataka si Elay nang buksan niya ang pintuan, aoat na araw nang nakalipas pagkatapos nang pagkawala ni Che. Ipinasok niya ang balde at naglagay sa isang baso at tinikman ito. Ang lakas ng tama nito sa kanya at biglang sumagi muli si Che sa kanyang isipan. Napagpasiyahan niya na pag-aralan ang inuming iyon. Nakagawa siya ng marami pang ganoong inumin. Ito ang kanyang pinagkaabalahan para maibsan ang lungkot na nadarama sa pagkawala at di na muling pagbalik ng kabayo. Habang iniinum niya ito ay naaalala si Che at ang masaya nilang pagsasama.

Isang araw ay napagpasiyahan niyang ibenta ang inuming iyon at nagustuhan din ng marami. Pinangalanan niya itong “Pulang Kabayo” dahil ito pa rin ang kanyang inspirasyon. Kumita siya nang malaki dahil sa produktong niyang iyon na siyang nagpaangat muli sa kanyang pangalan sa baryo Waling-saling. At wala nang nagawa pa si Bry dito.

Maraming natuwa sa pangalan ng inuming ito at pinagloloko pa nila si Elay. “Pareng Elay, pabiling red horse! Haha, ay! Pulang kabayo pala ‘yung malakas tumama! Hahaha ” sabi pa ng iba. Dahil sa mga ganoong pangloloko ay napag-isipan niyang mas magandang itawag ang red horse dito! At sa kinalaunan ay tinawag din itong RED HORSE! “Ang lakas ng tama!”

Ang Alamat ng Tampipi

Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Tamping. Siya ay isang babae na may angking ganda na talaga namang nakakaakit ng mga kalalakihan. Salungat naman sa angking kagandahan nito ay ang ugali niyang katamaran. Mahilig siyang magpadala o magpabuhat ng kanyang mga gamit sa ibang tao. Kahit sino ay pinagdadala niya ng gamit niya. Maging matatanda ay pinagbubuhat niya ng mga ito.

Nang dahil sa katamarang ito, naalarma and Diyosa ng Kasipagan. Nabalitaan nito ang tungkol sa katamaran nitong si Tamping. Nang dahil dito minabuti niyang kumilos na agad upang supilin ang katamarang paguugali ni Tamping. Nag-anyong isang matanda ang Diyosa at nagpanggap na nahihirapan sa mga dalahin nito. Sinadya pa di umano nito na sabayan si Tamping sa paglalakad. Humingi siya ng tulong dito, ngunit si Tamping ay nagmatigas na tulungan ito. At sa halip ay binilisan pa ang kanyang paghakbang upang mapagiwanan niya ang matanda at hindi na siya kulitin pa nito. Nang dahil sa ginawang hindi pagtulong ni Tamping sa Diyosa ng Kasipagan, nagalit ito ng husto at tinawag ang papalayong si Tamping at nagpalit anyo ito sa harapan ng babae. Sabay sambit ng,

"dahil sa hindi mo ako tinulungan at ikaw ay napagmatiyagan kong hindi masipag at mahilig magpadala ng gamit sa ibang tao, gagawin kitang isang bagay na siyang magdadala ng mga gamit!"

At sa isang iglap nagibang anyo si Tamping. Naging isang hugis parisukat ito na may butas sa isang gilid na may hawakan sa tapat nito. Nang makita ito ng mga tao ay inisip nila kung ano ang kakaibang bagay na iyon. Nang dahil sa biglaang pagkawala ni Tamping, naisip nila na baka ang kakaibang bagay na nakita nila ay posibleng si Tamping na nagibang anyo lamang. Isinunod nila ang pangalan ni Tamping sa bagay na iyon dahil na din sa ang bagay na iyon ay isang gamit na pwede nilang paglagyan ng kanilang mga dalahin na siyang kabaligtaran ni Tamping na tamad. Kaya't simula noon tinawag na nila itong "Tamping", na sa di kalaunan ay naging "Tampipi".


◘↔ BY: Nikki C. Magnaye
BSN 2-5

anG aLaMat nG pany0

Sa isang malayong lupain, may isang maganda at mahinhing dalaga na nagngangalang Panya, isang anak ng mananahi sa kanilang lugar. Simple lang ang kanilang buhay, tanging ang pananahi lang ng kanyang ina ang kanilang ikinabubuhay. Maaga siyang naulila sa kanyang ama. Bata pa lamang siya ay napakaiyakin na niya. Sa tuwing aawayin siya ng mga kalaro niya, sa bawat pagdapa niya at sa bawat pag-alala niya sa kanyang ama'y hindi maiwasang tumulo ang kanyang mga luha,pinupunasan niya ito gamit ang kanyang mga kamay.

Mayroon siyang kasintahan, si Prinsipe Anyong. Siya ay isang mapagmahal at mapagmalasakit na lalaki galing sa kahariang silangan. Lahat na siguro ng katangian ng isang lalaking gugustuhin ng isang babae ay nasa kanya na.

Tutol ang mga magulang ni Prinsipe Anyong sa kanilang pagmamahalan kung kaya't nagbalak ang Hari at Reyna na magkaroon ng isang kasiyahan sa kanilang kaharian. Ito ay upang ipagkasundo ang anak nila sa anak ng Hari at Reyna ng kahariang kanluran. Ipinangalat ang balita sa buong kaharian upang paghandaan ang pagdating ng mga tiga kahariang kanluran.

Nang makarating ang balita kay Panya, ito'y lubhang nalungkot at nalumbay. Maghapon at magdamag siyang umiyak sa kanyang silid. Noo'y pinilas niya ang burdadong bistidang ibinigay sa kanya ng prinsipe. Ito sana ang susuotin niya para sa kasiyahan dahil ang alam ng magkasintahan ay Panya ang ipapakilala sa mga magulang ng Prinsipe. Ang magarang bistida ay tila naging punit-punit. Umiyak ng umiyak si Panya.

Hanggang sa dumating ang mga tiga kahariang kanluran. Masaya ang lahat para sa pagsalubong. Noong mga panahong iyon ay dahan-dahan ng tumatakas si Prinsipe Anyong sa kaharian. Ito ay upang puntahan niya ang kanyang prinsesang si Panya.
Nang makarating siya sa bahay nina Panya ay may narinig siyang isang babaeng umiiyak, alam niyang ito'y si Panya. Pagkapasok niya ay nakita niya ang mga punit-punit na mga tela ng damit sa sahig, pinulot niya ang isang piraso na may hugis parisukat at dahan-dahan siyang lumapit kay Panya at iniabot ang tela upang punasan nito ang kanyang mga luha at sinabing,

"Panya aking mahal, tanggapin mo ang piraso ng telang ito upang punasan ang iyong mga luha. Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang nag-iisang babae sa aking buhay. Magmula ngayon, tayo'y magsasama, titira sa malayo at mamumuhay ng payapa. Itago mo itong piraso ng tela tanda ng ating pagsasama..."

Makaraan ang ilang taon nagkaroon ng matinding karamdaman ang Prinsipe, habang ito'y nakaratay,nasambit niya kay Panya ang mga katagang ito...

"Panya mahal na mahal kita. Hihintayin ko ang panahon na tayo'y muling magkakasama..."

"huwag mong sabihin yan mahal ko, hindi ka maaaring mamatay."ika ni Panya.

"Ikinalulungkot ko ngunit hanggang dito na lang ang kaya ng aking katawan. Tandaan mo mahal na mahal na mahal kita Panya...Panya...Panyawwwwwwhh..."

Habang natutunghayan ni Panya ang pagpanaw ng kaniyang minamahal, siya'y umiyak ng walang humpay habang hawak-hawak ang kapirasong telang bigay sa kanya ng kanyang mahal. Dito tinawag ang kapirasong telang PANYO, ayon sa huling salitang binanggit ng prinsipe.

Kaya't hanggang ngayon, ang kapirasong tela na tinawag na panyo ay siyang ginagamit natin upang punasan ang ating mga luha...."

by:
Pearl Charisse Z. Mendoza

Alamat ng Daga

by Audrey L. Marbella


May isang maliit na bayan, ang Dahog Dahog na kung saan sa di kalayuan ay may mag-asawang naninirahan. Kadalasan sila ay naglalakad papuntang bayan upang bumili ng mga kinakailangan sa araw-araw. Ang mag-asawang ito ay may isang anak, si Undang, walong taong gulang.
Isang araw napag-isipan ng mag-asawa na ipagluto ang kanilang anak ng spaghetti, ito ay ang sikat na pagkain sa mga bata kaya naman umagang umalis ang kanyang ina upang bumili ng mga sangkap. Bumalik ito agad upang makapagluto na. Si Undang naman ay masayang naglilinis ng bakuran dahil sa pagkasabik sa spaghetti. Nagluto na ang kanyang ina at naalala nito na nakalimutan niyanng bumili ng keso.
Inutusan nito ang kanyang anak na bumili saglit ng keso. Pagkatapos maglinis ni Undang tila nakaramdam ito ng pagkatamad marahil na rin sa pagod at gutom. Ngunit kahit ganun sinunod pa rin niya ang kanyang ina. Sa paglalakad niya ay may naamoy siyang mabango, "Kung hindi ako nagkakamali amoy iyon ng keso ngunit tila mas masarap ito kumpara sa iba." Pero nagtaka siya dahil sa lugar na iyon na magubat ay may keso. Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsunod sa amoy.
Nakarating siya sa lugar at nagulat sa kanyang nakita, lupa na pinagsama-sama sa isang lugar na tila pinagkumpol-kumpol, maganda ang pagkakahugis nito na mukhang bahay talaga. Ito ay bahay ng isang matandang duwende na matagal ng naninirahan doon. Sa hugis bahay na ito ay may malaking butas, at sa loob nito ay may bagay na nakabalot sa tela. Ito ay ang kanyang naaamoy, ang keso! Hindi nagdalawang-isip na kinuha ito ni Undang at bumalik sa kanila. Nagulat ang kanyang ina sa bilis ng pagbabalik nito, ngunit hinayaan na lang niya, ang mahalaga ay nakabili ito. Kumain na sila at nalasahan ang pagkasarap ng keso. Ang hindi nila alam, ang keso na kinuha ng walang paalam ni Undang ay pag-aari ng isang matandang duwende. Ang duwende ay nagalit at isinumpang sa pagtulog ng taong kumuha ng kanyang keso, ito ay magiging isang maliit na hayop na mahilig sa keso. Kinabukasan, ganun nga ang nangyari. Dito nagsimula ang alamat ng daga.

Saturday, July 5, 2008

ALAMAT NG BASAHAN


Sa hindi kalayuang lugar ay may munting baryo , ang baryo Nahasab. Sa gitna ng munting baryo nakatira ang pinakamayamang pamilya, ang MM. Ang mag-asawang Lorena at Bernardo MM ay likas na matulungin, tinutulungan nila ang mga ka-baryo nila na walang hinihintay na kapalit. Tuwang tuwa at hangang hanga ang mga ka-baryo ng mag-asawa sa kanila dahil sa kabaitan ng dalawa. Sila ay may isang anak na babae, si Laura. Ayon sa mga nakatira sa munting baryo, Si Laura ang pinakamaganda sa lahat ng mga batang babae sa baryo Nahasab. Siya rin ay may angkin talino kaya marami din ang humahanga sa kanya. Subalit, ang kabutihang Loob ay hindi niya namana sa kanyang mga magulang. Sa kadahilanan na siya ay ngiisang anak, lahat ng gustuhin nia ay sinusunod at ibinibigay ng kanyang mga magulang.

Si Laura ay isang mapanglait na bata. Ito ay dahil nga na sa sila ang pinakamayaman sa buong baryo. Sa kanyang pagmamataas ay nakakaapak na siya at nakakasakit na ng mga tao sa paligid niya kaya marami din sa mga kaibigan niya ang lumalayo sakanya. Sa baryo Nahasab ay maraming nakakakilala sa pamilyang MM dahil sa kabaitan ng mag-asawa, ang kakaibang ugali ni Laura at sa kayamanan nila. Dahil dito ay halos lahat ng bata ay naging kaibigan niya. Sa sobrang kataasan ng tinigin ni Laura sa kanyang sarili ay gusto niya na siya lagi ang bida kapag sila ay naglalaro at ayaw niya na matataya siya. Maarte din siyang bata, ayaw niya ng mga taong gusgusin, mabaho at pangit. Kapag sila ay naglalaro at mapapansin niya na pawisan at nangangamoy na ang kanyang mga kalaro ay magsisismula na ang kanyang kaartehan at panlalait sa mga ito. Ang lagi niyang dialog ay “ eeww, you are all so kadiri na.. don’t touch or get close to me..ok? ur all so ugly and stinky.. look at me, i am still fresh..diba?? look?? hays.. the poor nga naman..tsk tsk tsk” sabay ayaw sa laro.

Sa kaartehan ni Laura ay meron siyang personal yaya. Lagi niya itong kasama saan man siya pumunta para taga-bitbit ng kanyang mga gamit,taga-suklay ng buhok at taga-punas ng pawis. Isang pagkakamali lang ng kanyang yaya ay sandamakmak na sermon at panlalait ang inaabot nito. ang paborito niyang linya sa pagsesermon sa kanyang yaya ay : “ anu ka ba yaya?? You are so stupid.. ugly na shungaers pa.. hay yaya..why don’t you just be like me.. im the number one babae in the whole universe.. everybody likes me.. not like you,.. no one loves you.. tsk tsk tsk.. yaya,. you are so kawawa..”

Isang araw habang siya ay naglalakad pauwi galing sa paglalaro ay may nakasalubong siyang matandang pulubi na sobrang dungis. Humingi ng limos ang nsabing matanda. Hindi na nga binigyan ni Laura ng kahit konti ang matanda ay kung anu-ano pa ang sinabi niyang panlalait at pangmamaliit sa kawawang matanda. “ Anu ka bang matanda ka,. Wag nga you dumikit sakin.. you are so bantot and so so ugly.. don’t touch my dress.. your hands are contaminated with some kadirdir na germs.. eeewww.. shupi!! Go away.. don’t talk to me ever ,poor!!.. how dare you to talk to me like that.. cant you see.. im in the highest level , while you are just this little.. see??.. and ur hininga is like ah poopoo.. yuckness.. look at your teeth.. its all black.. tsk tsk tsk.. wawa ka nmn ever.. the kadirdir na old.. hhhmmhh“

Sa sobrang pagaalipusta ni Laura sa matanda ay napaiyak na ito at nagsisisigaw ng kung anu-anong salitang hindi maintindihan ni Laura.” Wak!! Eabab ak!! Kilabab nid oyas gna agm gnamasam awagagagganip om as awpak om.. !! naadnat om nay.. apmusunis atik!!!” sa takot ni Laura ay mabilis siyang tumakbo pauwi. Nang siya ay nasa tapat na ng pintuan nila ay biglang nagdillim ang buong kapaligiran at siya ay nakaramdam ng kakaiba. Pagkatapos ay biglang kumidlat at tinamaan siya nito. Nag-iba ang kanyang istura, si Laura ay naging tela na hindi mo mailarawan kung ano ba ito. Lumipas na ang ilang segundo, minuto at oras ay nagsimula na siyang hanapin ng kanyang magulang at katulong. Ngunit, nillibot na nila ang buong baryo at pumunta na rin sila sa kabilang baryo ay hindi nila makita si Laura. Sumuko na sila sa paghahanap at nagpasiya ng umuwi, nang sila ay nasa may pintuan na ay napansin nila ang kakaibang tela na biglang sumulpot sa harap ng pintuan nila. Kakulay ito ng suot ni Laura noong araw na iyon kaya sila ay napaisip.” Hindi po kaya si Laura ito maam?? Ganto po kasi ang suot niya nung huli ko siya nakita at nangangamoy pa po ang kanyang pabango” wika ng katulong nila. Hindi nila alam kung ano ba ang iispin nila, kung bakit nawawala si Laura, kung ano na ba talaga ang nangyari dito at kung siya nga ang telang nasa harapan nila.gulong gulo ang isip nilang lahat kaya nagpasiya sila na huwag galawin ang tela.

Madami laging bumibisita sa bahay ng pamilyang MM at sa dami ng nakakaapak sa tela ay dumumi na ito at hindi na maganda ang amoy kaya sa tuwing may bibisita sa pamilyang MM ay lagi nilang napapansin ang kakaibang tela at halos pare-pareho lang ang sinasabi ng mga ito na “ Mare, ano ba yang kakaibang telang nasaharapan niyo, bakit hindi niyo ito tanggalin?? Nakakapagpapangit lang ito ng sa itsura ng inyong bahay.” Ngumingiti na lang sila sa mga nagtatanong sa kanila dahil hindi naman nila masabi na kaya hindi nila maalis ang tela ay dahil sa tingin nila ay iyon ang nawawala nilang anak. Tinawag nilang basahan ang kakaibang tela na hinango sa kabaliktaran na pangalan ng kanilang baryo Nahasab.

Golden rules: “Do unto other what you want others do unto you”; “Kung ano ang ginagawa mo sa kapwa mo ay siya rin ang babalik sau.”

CREATED BY:
... Lara Loraine M. Mary ...
... BSN 2-5 ...

Alamat ng Duryan

Ang Alamat Ng Duryan
by Ma. Cecilia Miano


Sa isang malayong lugar na puno ng manunugal, ay may isang kaharian na hindi pa nabubungkal. Ang kahariang ito ay kakaiba sa lahat sa kadahilanang ang lahat ng kagamitan at tauhan nito ay nababalot ng linis, kinang at bango. Isang prinsesa ang may pakana ng lahat ng ito, at siya ay si prinsesa Dorie. Maganda, matalino, malinis at ubod ng bango si Prinsesa Dorie subalit hindi tumutugon ang kanyang kalooban sa ipinapakita ng kanyang kaanyuan. Madalas niyang laitin ang mga katulong lalo na kung hindi niya nagugustuhan ang mga amoy nito. Hindi siya nakikihalubilo sa mga taong hindi niya kauri kung kaya’t piling panauhin lamang ang mga naiimbitahan sa tuwing may mga pagtitipon.

Isang araw napagpasiyahan ng kanyang Amang Hari na bisitahin ang mga taong bayan upang makilala naman sila ng personal bilang kinatawan ng palasyo. “ mahal kong prinsesa, halina’t sumama ka sa pagbisita naming ng iyong Inang Reyna sa bayan. Hayaan nating makilala naman tayo ng mga taong aming pinamumunuan, balang araw ay ikaw naman ang papalit sa pamumuno”, pakiusap ng hari. “ Subalit ama, sapat ng kayo na lamang ang bumisita doon at isa pa ayoko silang makita. Paniguradong hindi ko magugustuahan ang mabaho nilang amoy at itsura”., tugon ng prinsesa. “ Anak, masyado kang mapanghusga, masama iyan, gusto mo bang isama kita sa kanilang paninirahan doon?” Agad na tumanggi ang prinsesa, at sa matinding pamimilit ng ama ay napapayag niya rin ito.
Maraming karwahe ang dumating ng araw na iyon at hindi magkamayaw ang mga taong-bayan sa pagbati sa hari. Bumaba na sila ng karwahe upang magpakilala sa mga tao, at si Prinsesa Dorie ay nagdadalawang –isip pa sa pagbaba. Sa kanyang pagbaba ay nilapitan siya ng isang matandang pulubi. “ Kay ganda mo naman Prinsesa Dorie, maaari bang isama mo ako sa palasyo at hayaan mong paglingkuran kita?”, sambit ng matanda. “ Ayoko nga! Isa kang hampaslupa, at bakit naman kita tatanggapin sa aming palasyo? Walang lugar para sayo doon…! Lumayas ka! Tsupe”! Nagalit ang matandang pulubi sa matinding paglait sa kanya at isinumpa ang prinsesa. “ Kahit anong ganda at bango mo, lalabas din ang iyong baho at lalayuan ka ng maraming tao!” at biglang naglaho ang matanda.

Lumipas ang araw hanggang sa may kakaibang amoy ang lumaganap sa palasyo. Sa tuwing magsasalita ang prinsesa ay may umaalingasaw na amoy mula sa bibig nito. Lalong tumitindi ang amoy sa tuwing pagmamalupitan niya ang mga katulong at iba pang tao sa palasyo. Hindi ito matanggap ng prinsesa kung kaya’t lumayas siya. Bigla itong naglahong parang bula; walang nakakaalam kung saan siya matatagpuan. Hanggang isang araw ay may punong hindi kilala na tumubo sa harap ng palasyo. Marami itong bungang mukang masasarap subalit ng tinangka nila itong buksan at kainin ay nawala ang gana nila dahil sa amoy nito. Tumubo din ang mga punong ito sa bayan subalit hindi na sila nagtatangkang kumain ng bunga dahil na rin sa amoy nito. Dahil kasabay ng punong ito ang pagkawala ni Prinsesa Dorie, ipinangalanan nila dito ang prutas at tinawag na “DURYAN”.




************************************WAKAS**********************************************

Alamat ng SAWING PAGIBIG

Isa sa pinakamaunlad na bayan sa buong sanlibutan ang bayang agibig dahil lahat ng sulok ng bayang iyon ay puno ng napakatamis na pagmamahalan. Ava, pati nga mga pasyalan ay hindi mahulugan ng karayom sa dami ng mga naglalampungang parang mga pusa. Kahit mga gurang na ay wala pa ring patawad at puno pa rin ng kakiligan sa kulubot na balat. Lahat nga ata ng bagay sa bayan na iyon ay may kinalaman sa mga nagmamahalan. Pana’y korteng puso ang bagay-bagay sa baying yon kahit nga inudoro ay hugis puso pa rin. Naging tradisyon na nila ang mahalin at magmahalan. Subalit ang pinuno nilang si GMA Agibig ay hindi matagpuan ang tunay na pagmamahal. Lahat na nga ata ng hinain sa kanyang mga lalake ay hindi pumasa sa panlasa niya. Sa totoo lang ay malapit na siya sa DEADLINE ng malapit ng maging matandang dalaga kaya halata mo sa mukha niya ang lungkot. Mawindang-windang ang mga nasasakupan niya, kaya sila na mismo ang gumawa ng paraan. Sa paghahanap nakarating na sila sa kabilang dako ng karagatan at doon nila nakilala si Fernando Poengsawi. isa siyang sikat na artista subalit wala siyang mapili na papasa sa panlasa niya,kahit si Dysebel, marimar o marian rivera hindi pumasa sa kanya. Hanggang sa nakita niya si GMA at nahulog siya rito at hindi na nakabangon. Araw-araw niya itong sinuyo,hinarana at niregaluhan ng kung anu-ano pero deadma pa rin ang lola mo sa porma niyang EMO.

Isang araw, nagkasakit si Fernando.Wala ni isa sa bayan ang nakakaalam nito. nagtaka ngayon si GMA kung bakit walang epal sa araw niya. Hanggang sa nagumpisa ng mamiss ng bruha ang kinaiinisan niya. Pinahanap niya ito sa buong bayan. At ng makitang nakabulagta na ito sa isang mansyon sa boracay ay saka pa lng niya napagtanto na simula pa lang ng nakita niya si Fernando ay nasapol na siya ni kupido. Huli na pala ang lahta para sa kanya. At ito pa, nakita niya sa kamay ni Fernando ang isang sulat na may lamang sing-sing. Sinasabi doon na "hindi mo man ako kayang mahalin, nandito pa rin ako magaantay, kahit nakikita kong wala lang ako sayo,magbubulag-bulagan ako,hindi naman masamang mangarap. Ito lang masasabi ko isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko...Sabay tumulo ang luhs ni GMA na may putik-putik pa. Hindi niya nakayanan ang nangyari kay Fernando.

Isang araw na lang ay nakita ng taong bayan na nakahalandusay na lang sa kama si GMA at ang papel na may FLAMES na pangalan nilang dalawa,"Fernando Poengsawi LOVE GMA Agibig. Patay na si Sawi, patay na rin si Agibig. Aha! SAWING PAGIBIG...at iyon ang nilagay sa puntod ng dalawa. Simula ng may naghihiwalay sa bayan na iyon ay Sawing Pagibig na ang tinawag sa kanila.
by: Thea ANgelic R. Maiquez

Alamat ng Hamog

Noong unang panahon,hindi malaya ang mga kabataan na makapili ng tao na nais nilang mahalin at makasama sapagkat tanging ang magulang lamang ang siyang namimili nito.Si Bianca,isang ehedera at anak mayaman ay laki sa luho at sagana sa mga materyal na bagay,ngunit siya ay malungkot dahil sa sobrang higpit ng kanyang mag magulang.Isang bakasyon ay naisipan ng kanyang pamilya na magbakasyon sa kanilang hacienda.Doon ay nakilala niya si Joshua,anak ng kanilang hardinero.Naging magkaibigan sila at nang tumagal ay nahulog na ang loob nila sa isat isa.Madalas silang nagkikita tuwing naalis ang mag magulang ni Bianca.Inilihing nila ang kanilang relasyon,ngunit di tumagal ay nalaman din ng mga magulang ni Bianca ang tungkol sa kanilang dalawa kayat pilit nilang pinaghiwalay ang dalawang ito.Pinapunta nila si Bianca sa ibang bansa.Walang nagawa si joshua dahil pag tumutol siya ay mawawalan ng trabaho ang kanyang ama at wala na silang ikabubuhay.Bago umalis si Bianca nangako si Joshua na maghihintay siya at magsusumikap upang balang araw ay maipagmalaki din siya ni Bianca sa kanyang mga magulang.Walang tigil si Joshua sa kasusulat sa kanya ngunit di niya natatanggap ang mga sulat dahil kinukumpiska ito ng ina ni Bianca.Naghintay si bianca sa loob ng pitong taon,Samantala sa pitong taon na iyon ay naging sundalo si Joshua at naging kilala siyang heneral.Sa kasamaang palad habang nasa gitna sila ng gera ay aksidenteng natamaan ng bala si joshua.Makalipas ang ilang araw nailathala sa dyaryo ang mga nasawi sa gera at kasama doon si Joshua.Nabasa ni Bianca ang nilalaman ng dyaryo kayat labis siyang nagdamdam at umiyak.Naisip niya na napakasaklap ng nangyari sa kanilang dalawa.Mahirap itong tanggapin para sa kanya.Isang madaling araw nagpunta siya sa kanilang balkonahe nang nag iiyak habang tinatawag niya ang pangalan ni Joshua.Natakot siya ng bigla na lamang dumilim ang paligid at nabalot ito ng usok na unti unting humawig sa mukha ni Joshua.Sinasabi ng iba na patuloy parin sa pag-iyak si Bianca sa umga kaya nagkakaroon ng hamog.


By:
Edelyn Q. Montecillo
BSN 2-5

Ang Alamat ng Kambal na Saging

Sa isang maganda at mahiwagang palasyo ay nakatira
si Haring Saba at Reyna Lakatan.
Maganda ang pamamahala nila sa kanilang kaharian at
masayang namumuhay ang mga tao dito. Mahigit 2 taon na silang
mag-asawa ngunit mwala pa rin silang anak.

Isang araw habang palubog na ang araw ay masayang nagmasid ang mag-asawa.
Biglang tumahimik si Reyna Lakatan at malungkot na sinabi, "Iisa nalang ang
kulang sa ating pagsasama aking Hari."
Niyakap ng HAri ang kanyang asawa at sinabi, "Huwag kang mag-alala
aking mahal at dadating din ang oras at bibiyayaan din tayo
ng mga anak, huwag ka sanang mawalan ng pag-asa." Hinawakan ng Hari ang pisngi
ng kanyang asawa at sabay nginitian nya ito upang mawala ang
lungkot na nadarama ng kanyang asawa. Hindi masabi ng Hari kung gaano din siya
nalulungkot.

Sa paglipas ng panahon ay hindi parin sila binibiyayaan ng anak.
Naging matamlay ang Hari at di maiwasan ng Reyna na
malungkot sa mga nangyayari. Isang araw ay nagpasya ang Reyna na
ipasyal ang kanyang asawa sa kanilang hardin. Sa kanilang
paglalakad ay may nakasalubong sila ng isang matandang babae
at agad na sinabi "Mahal na Kamahalan, ako po ay tulungan nyo
gutom na gutom na ako. Maawa po kayo sa akin."
DAhil mabuti ang kalooban ng mag-asawa ay agad nila sinama ang matanda
sa palasyo upang pakainin.

Natuwa ang matanda at habang papalabas na ito sa
palasyo ay bigla itong nabalot ng liwanag, isa pala itong Diwata!
"Dahil mabuti ang inyong kalooban ay gagantimpalaan ko kayo."
Kaagad na hinawakan ng Diwata ang tiyan ng Reyna at ito ay nagliwanag.
NApatulala nalang ang mag-asawa.

Makalipas ang 9 na buwan ay nalalapit na ang kapanganakan ng kanilang
anak. Habang namamasyal ang mag-asawa sa may bundok upang makalanghap
ng sariwang hangin sa may tabi ng balon ay bigla nalang sumakit
ang tiyan ng Reyna. Manganganak na siya! Pagkalipas ng 1 oras ay nagsilang siya
ng kambal na babae. Maputi ang mga ito, maliit ang katawan at dilaw ang kanilang mga
buhok. Sa kasamaang palad, namatay ang Reyna dahil sa hirap ng kanyang
panganganak. Sa loob ng 2 taon ay sinikap ng Hari na maging
mabuting magulang sa kanling anak,
ngunit hindi ito naging sapat. Naging suwail ang kanyang mga anak.
Palagi silang magkaaway, gusto nila lagi na magkahiwalay sila ng landas
dahil hindi sila magkasundo.

Dahil sa mga nangyayari ay nagalit ang Diwata. Naisip na itinago ng Diwata ang Hari sa gitna
ng kagubatan upang magkasundo ang magkapatid. "Hindi mo kasi binantayan ang
Hari!" sigaw ng panganay na anak. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat, wala ka
man lang pakialam sa ating Ama." Nagsigawan pa sila lalong magkapatid.
Biglang lumitaw ang Diwata at sinabi kung nasaan ang Hari, "makikita nyo lamang ang inyong
Ama kung kayo ay magkakasundo at magsasama sa paghahanap sa kanya."

Nagmadali ang magkapatid na pumunta sa bundok, habang sila ay naglalakad ay
nagaway na naman ang 2 at nagpasyang maghiwalay. Galit na galit ang Diwata dahil
dito ay tinulak nya ang magkapatid sa balon at bigla itong nagliwanag.
Hindi na nila nakita ang magkapatid. Bigla nalang lumitaw ang Hari, nakakita siya
ng puno sa gitna ng balon. Meron itong bunga, dilaw ang kulay kagaya ng mga
buhok ng magkapatid. magkadikit ito. Sinabi ng Diwata ang kanyang dahilan sa hari,
"hindi naging mabuti ang iyong mga anak. Pinagdikit ko sila dahil gusto lagi
nila laging magkahiwalay." Napaluha nalang ang Hari at niyakap ang puno, binulong nito "mahal
ko kayo aking mga anak."



by:
Michelle Ann P. MArvida
BSN2-5

aLamat ng Tuyo

Nagdaan ang isang napakalakas na bagyo at muli nitong sinalanta ang Baryo Puting-Tinapa. Bakas ang pagkawasak ng mga tahanan at mga kabuhayan ng mga residente doon. Dahil doon, lalo nilang pinroblema ang kanilang kakainin sa araw-araw. Pinilit ng mga tao doon na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay ngunit hindi pa man lubusang nakakabangon mula sa pagkalugmok ay muli na namang dumating ang isa pang unos sa buhay ng mga residente ng baryo.

Naranasan naman nila ang sobrang tag-init. Natuyo ang mga pananim at mga balong pinagkukunan nila ng tubig. Maging ang dagat ay animo’y nagdadamot magbigay ng mga isda. Lubos na nabahala ang mga tao ng nasabing baryo dahil sa pagka-ubos ng kanilang mga pagkain.

Isang araw, lumabas ang isang batang nagngangalang Toyo, lampayatot at nanghihina dahil sa lubos na pagkagutom. Sa paghahanap ng pagkain, ang tanging nakita niya lamang sa pampang ay mga isdang animo’y naluto at natusta na dahil sa lubos na kainitan ng araw. Naisip na lamang ng batang si Toyo na mag-uwi na lamang ng mga isda. Ipinakita niya iyon sa kanyang ina at sinabi naman ng kanyang ina na “tuyung-tuyo na ang mga isdang iyan ngunit mabango naman at mukang masarap kainin”. Niluto ito at kinain nila. Tuyong isda sa umaga, tuyong isda sa tanghali at tuyong isda sa gabi, maging ang kanilang midnight snack ay tuyong isda pa rin. Naging paborito ng batang si Toyo ang tuyong isda dahil para sa kanya ay napakasarap nito at napakabango pa. Ngunit kabaligtaran naman ang sa kanyang mga kapatid, sawang-sawa na sila at kulang na lamang ay magsuka na ng tuyong isda.

Matapos ang ilang araw ng paghihirap ay muli na namang nanumbalik sa normal ang kanilang pamumuhay. Dahil hindi na tag-init ay wala ng tuyong isda na naging dahilan naman ng lubos na pagkalungkot ni Toyo. Kaya’t naisip ng kanyang ama na manghuli ng mga isda upang gawing ulam. Napag-isip-isip ng mag-asawa na ibilad sa init ng araw ang isda, timplahan ito ng konting asin gaya ng orihinal na lasa ng mga isdang nakuha ni Toyo sa pampang noong tag-init pa. naging masarap ang resulta kaya naisip nila itong gawing hanapbuhay. Mula ng araw na iyon ay naging pamilya sila ng magtutuyo, doon ay pinaikli na lamang ang tawag sa tuyong isda at ginawa na lamang na “Tuyo”. Kahit na hindi sila namomroblema sa pagkain ay pinili na rin ng mga tao na bumili ng tuyo dahil sa mura at masarap naman. Hindi nagtagal ay dumami na rin ang mga pamilya na nagnenegosyo ng tuyo hindi lamang sa Baryo Puting-Tinapa ngunit maging sa mga kalapit na baryo.

At lubos na nga ang kasikatan ng tuyo lalo na sa baryong pinanggalingan nito, ang Baryo Puting-Tinapa.

Alamat ng Garapon

Alamat ng Garapon
by Dana Dolor Montecillo

Noong unang panahon, panahon pa ng Hapon, mura pa ang mamon, at sumisikat pa lang ang bihon, ay may batang nagngangalang Timon. Si Timon ay sikat na sikat sa kanilang nayon, siya ang paboritong tuksuhin ng mga maton na taga-roon.

Isang araw bago matapos ang mag-hapon habang umuuwi ang mga ibon ay pauwi na rin si Timon buhat sa pagbili ng turon, ng biglang, “Hoy Timon, Hipon!” Sigaw ng mga maton. “Timon, Timon, Hipon!, ahahaha..” ang sabi ng mga maton. Lumingon si Timon na tumutulo ang sipon, “Sinong hipon?” ang tanong ni Timon. “Isusumbong ko kayo sa tiyo kong may baton!” Nagtawanan ang mga maton at sinabing, “Ah si Timon pikon! Pikon, pikon, pikon!”

Tumakbong pauwi si Timon na mas matulin pa sa nagma-marathon. Pagdating nya sa kanilang mansyon ay tinanong sya ng kanyang Yaya Sharon, “Oh Timon, ba’t labas ang iyong sipon?” Sagot ni Timon: “Tinutukso ako ng mga maton, mukha raw akong hipon.” Ang sabi naman ni Yaya Sharon: “Timon hayaan mo lang ang mga ‘yon, wag kang mapikon, balang araw ay mapipisa ang mga ‘yon ng pison, hala sige halika na at kumain ka na ng sotanghon.” “Ah basta yaya isusumbong ko sila kay Tito Bon, pukpukin sana sila ng baton at itapon sa kariton!” Ang matigas na sagot ni Timon.

Kinaumagahan, pagkakain ng agahan si Timon.. (abah teka ibalik natin sa –on) Pagkatapos lumamon ni Timon ng pandesal at hamon ay lumabas na sya ng mansyon upang makipaglaro sa mga taga-roon ng pataasan ng talon; pagkalabas na pagkalabas nya ay naroroon na ang mga maton, “Ayan na si Timon Hipon na pikon!” Sigaw ng mga maton at nagtawanan sila halos buong maghapon. Tulad ng nangyari noon ay umuwing luhaan at tulo ang sipon ni Timon.

Nagpaulit-ulit kay Timon ang ganoong sitwasyon, hanggang sa isang hapon nakita si Timon ng diwatang nakapantalon na mahilig sa melon; “Hoy ikaw Timon, masyado kang pikon..” sabi ng diwata na walang bahid ng pagka-mahinahon. “Madali kang mapikon sa bawat pagkakataon na hinahamon ka ng panahon. Di ka marunong bumangon at umahon kapag naluluklok sa madilim na balon, parang kaysarap mong bigyan ng leksyon! Madaling madala ng masamang alon ang damdamin mong pikon, kaya mukhang nararapat lang na gawin kitang garapon.” Iwinagayway ng diwatang nakapantalon ang kanyang baston, “Garapon, garapon, marupok pag tinapon, walang kakayahang piraso-piraso ay maipon, ngayon Timon ikaw na yon!” Di naglaon, si Timon ay nag-anyong garapon, hayun na si Timon na garapon, lagayan na ng polboron.