Friday, July 4, 2008

Ang Alamat ng Garapata

Sa di kalayuang lugar may isang mahirap na mag-anak ang nakatira sa isang gilid ng parang. Walang ikinabubuhay ang mag anak kundi ang mag ani ng may gulay ng may gulay, manghinge sa kapit bahay at magdukal ng mga kamote at iba pang bungang kahoy. Dahil sa paulit ulitna hirap ng pamumuhay nila napagisipan ng padre de pamilya na mangibang bayan para makapag hanap ng ,makakain, dahil nahihiya na silang umasa sa hingi.

Tay san tayo pupunta ang sabi ng anak sa ama. Wala, mangingiibang bayan tayo para doon maghanap ng pagkain ang tugon ng ama.

Nagimpake ng gamit ang mga mag anakan na walang tiyak na patutunguhan. Ipinagpapasadiyos na lang nila ang lahat kung saan sila mapapadpad. Linisan na nila yung lugar nila. Inabot sila ng ilang araw sa paglalakbay ng may makasalubong silang isang matanda, pinagtawanan iyon ng kanilang anak nakita at narinig ng kahabag-habag na matanda na ang wika ay:

Tay, nay ang galing ng mukha ng matanda may maraming bukol bukol na kulay itim ang malakas na puna ng bata.
Wag kang ganyan, baka marinig ka ng matanda....

Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga maganak, Pagkaraan ng ilang araw nagkasakit ang bata; nagtayo ng maliit na kubo ang ama para matuluyan halos ilang araw ng hindi nagbabago ang kalagayan ng bata. Nagalala ang magasawa sa pangyayring iyon. Nagdaan pa ang ilang araw nagiiba na ang kulay ng bata, naging itim. Umigting ang takot ng magasawa sa pangyayaring ito.

Umalis ang magasawa para makakuha ng panlunas na gamot sa kanilang anak. Inabot sila ng maghapon, pagkabalik ng mag asawa sa kanilang tinutuluyang kubo nabigla sila nang ang kanilang amak ay bigla na lang nawala.
Hinanap nila iyon ngunit wala kahit saang parte ng kubo maging sa labas man; Nalungkot ang magasawa sa pagkawala ng kanilang kaisa isang anak. Nang dumating ang isang araw may nakita ang matandang lalaki na itim na insekto na nakadapo sa laylayan ng damit ng babae.

Natapos ang ilang buwan ng paghahanap tinanggap na ng magasawa na hindi na magbabalik ang kanilang anak.

By: Reanne May L. Mendoza

No comments: