Saturday, July 5, 2008

Alamat ng Puting Rosas

Ang Alamat ng Puting Rosas


Noong panahon ng mga Datu hindi pinahihintulutan ang relasyon sa pagitan ng
Isang maharlika at ordinaryong mamayanan.ngunit sa kauna-unahang pagkakataon.
Mayroong dalawang matapang na magsing-irog ang nangahas na suwaying ang batas na iyon.

Si Mayumi ang anak ng Datu Kahil napakaganda,napakatalino at napaka tapang umibig siya sa isang pangkaraniwang mamamayan ng kanilang kaharian .isang araw ng bukang liway-way, maagang nagising ang magandang prinsesang si Mayumi.
kanyang sinilayan ang napakagandang pagsikat ng araw sa labas ng balkonahe ng kanyang
napaka laking silid. Nilanghap-langhap ang napaka sariwang hanging umihip sa kabuuan ng kanilang lugar.sa di kalayuan ay kanyang natanawan ang napaka kisig na si Mael. pasan-pasan ang isang kaban na palay. Sa sobrang kabog ng kanyang dib-dib siya’y dali-daling nag tago sa ilalim ng harang sa kanyang balkunahe.Sa kanyang kaalaman ay hindi siya napansin ng binata,ngunit taliwas sa kanayng kaalaman, nakita siya ni Mael malayo palamang ito. Tumigil saglit ang binata at binaba ang mabigat na dala para mag pahinga saglit. Sumisipol-sipol ito’t animoy nag tatawag ng hngin. Sa sobrang kaba ng prinsesa, ito’y napabahing. Nang marinig ito ng binata ito’y nagulat. “Oh! Prinsesa Yumi, nariyan po pala kayo, isang magandang umaga po, para sa napaka gandang prinsesang katulad mo.” Napangiti ang prinsesa at agad tumugon sa binata. “magandang umaga din sayo Mael.” “Maaga akong nagising kayat tumungo muna ako rito sa balkunahe.” “ganon po ba,? Kung inyo pong mamarapatin ay maiwan ko muna po kayo.ako po’y inutusan lamang kasi ng aking ina para kumuha ng palay sa taguan.” Sabi ng binata. “ah, oh sige... magandang umaga muli..” sagot ng prinsesa. pumasok na ito ng silid at nag handa para sa agahan.

Nasaan ang prinsesa? Hindi pa ba siya gising? Tanong ng hari kay Imuha (ina ni Mael.) pababa na daw po ng silid ang prinsesa, Mahal na Datu.” Magandang umaga aking ama!... pangiting banggit ng prinsesa.” Mukang napaka ganda ng gising ng aking prinsesa? “opo ama! Isang napaka gandang umaga ito para sa akin! “sagot ng masayang prinsesa. Maari ko bang malaman ang dahilan?”.“ ito’y isang sikreto ama! Sabihin nalang nating ako’y umiibig sa isang makisig na binata!” sambit ng umiibig na prinsesa. “Ganoon ba aking anak? Isa ba siyang prinsipe?, maharlika?” napa yuko ng bahagya ang prinsesa. “Ah, opo ama! Isa siyang maharlika. Isang anak ng datu, isang prinsipe.” Malungkot na sagot ng prinsesa. “Kung gayon, nais ko siyang makilala sa lalong madaling panahon, ng sa gayo’y magkakilala na kami ng kaniyang amang Datu.” Galak na sagot ng Datu Kahil. Ngunit sa loob ng prinsesa, sya’y nagsisising nagsinungalin siya sa Hari. Natapos ang kanilang agahan, at nagtungo ang prinsesa sa batis sa may ibaba ng kanilang Kaharian. Hindi inaasahan ng prinsesa na naroon din ang kaniyang minamahal na si Mael. Nakita niyang nakalusong si Mael sa batis. Lumapit siya rito at nagtanong. “Ano ang iyong ginagawa rito Mael?” “Ah.. Prinsesa, kayo po pala?” “Naghahasa po ako ng Bulo. Ang sabi po kasi ng aking ama, mas magandang maghasa o magpatalas ng bulo sa batis.” Kwento ng binata. “Napaka husay naman pala ng iyong Ama Mael!” papuri naman ng prinsesa.
Sa kawalan ng mapag-uusapan, naisip ni Mael na ito ang tamang paraan upang ipag tapat sa prinsesa ang kanyang nararamdaman sa Prinsesa. “ Prinsesa huwag po kayong mabibigla. Ngunit ako po ay may ipag tatapat sa inyo.” Sabi ng binata. “Ano iyon Mael?” tanong ng nasasabik na prinsesa. “Ako po ay lihim na umiibig sa inyo. Akin pong pinipigilan ang aking nararamdaman, ngunit hindi kop o talaga magawa. Paumanhin po mahal na prinsesa. Hiyang tugon ng binata. “Mael, maging ako ay lihim na umiibig saiyo noong una pa lamang.” Natuwa ang binata at agad niyakap ang prinsesa. Mag mula noon nagkaroon na ng relasyon sa pagitan ng mahirap na si Mael at ng Maharlikang si Prinsesa Mayumi. Ng araw naring iyon ipinakita ni Mael ang tanim niyang napakagandang Pulang Rosas. Sinabi niyang ito’y handog niya sa minamahal niyang prinsesa. Nagalak ang prinsesa kaya’t ito’y madalas niyang pinupuntahan upang alagaan. Di nagtagal, nalaman ng Hari ang lihim nilang relasyon ng mahirap na si Mael. Kaya’t agad pinadakip ng Hari at ito’y dinala sa piitan. Nalaman ito ng prinsesa, ngunit nsa kawalan ng kakayahang ipag tanggol ang minamahal, nagawa nalamang niyang umiyak ng walang humpay sa may batis, kung saan doon din nakatanim ang pulang rosas na tinanim ng minamahal. Di napapansin ng prinsesang ang rosas na kanyang niluluhaan ay unti unting Namuti dahil sa kanyang mga Luha. Mag mula noon, nang tumubo ng magmuli ang bulaklak ng halamang iyon, doon na nagsimula ang pagkakaroon ng mga Puting Rosas.


-KATAPUSAN-


by: Angelique L. MaƱaga

1 comment:

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/