Saturday, July 5, 2008

ALAMAT NG BASAHAN


Sa hindi kalayuang lugar ay may munting baryo , ang baryo Nahasab. Sa gitna ng munting baryo nakatira ang pinakamayamang pamilya, ang MM. Ang mag-asawang Lorena at Bernardo MM ay likas na matulungin, tinutulungan nila ang mga ka-baryo nila na walang hinihintay na kapalit. Tuwang tuwa at hangang hanga ang mga ka-baryo ng mag-asawa sa kanila dahil sa kabaitan ng dalawa. Sila ay may isang anak na babae, si Laura. Ayon sa mga nakatira sa munting baryo, Si Laura ang pinakamaganda sa lahat ng mga batang babae sa baryo Nahasab. Siya rin ay may angkin talino kaya marami din ang humahanga sa kanya. Subalit, ang kabutihang Loob ay hindi niya namana sa kanyang mga magulang. Sa kadahilanan na siya ay ngiisang anak, lahat ng gustuhin nia ay sinusunod at ibinibigay ng kanyang mga magulang.

Si Laura ay isang mapanglait na bata. Ito ay dahil nga na sa sila ang pinakamayaman sa buong baryo. Sa kanyang pagmamataas ay nakakaapak na siya at nakakasakit na ng mga tao sa paligid niya kaya marami din sa mga kaibigan niya ang lumalayo sakanya. Sa baryo Nahasab ay maraming nakakakilala sa pamilyang MM dahil sa kabaitan ng mag-asawa, ang kakaibang ugali ni Laura at sa kayamanan nila. Dahil dito ay halos lahat ng bata ay naging kaibigan niya. Sa sobrang kataasan ng tinigin ni Laura sa kanyang sarili ay gusto niya na siya lagi ang bida kapag sila ay naglalaro at ayaw niya na matataya siya. Maarte din siyang bata, ayaw niya ng mga taong gusgusin, mabaho at pangit. Kapag sila ay naglalaro at mapapansin niya na pawisan at nangangamoy na ang kanyang mga kalaro ay magsisismula na ang kanyang kaartehan at panlalait sa mga ito. Ang lagi niyang dialog ay “ eeww, you are all so kadiri na.. don’t touch or get close to me..ok? ur all so ugly and stinky.. look at me, i am still fresh..diba?? look?? hays.. the poor nga naman..tsk tsk tsk” sabay ayaw sa laro.

Sa kaartehan ni Laura ay meron siyang personal yaya. Lagi niya itong kasama saan man siya pumunta para taga-bitbit ng kanyang mga gamit,taga-suklay ng buhok at taga-punas ng pawis. Isang pagkakamali lang ng kanyang yaya ay sandamakmak na sermon at panlalait ang inaabot nito. ang paborito niyang linya sa pagsesermon sa kanyang yaya ay : “ anu ka ba yaya?? You are so stupid.. ugly na shungaers pa.. hay yaya..why don’t you just be like me.. im the number one babae in the whole universe.. everybody likes me.. not like you,.. no one loves you.. tsk tsk tsk.. yaya,. you are so kawawa..”

Isang araw habang siya ay naglalakad pauwi galing sa paglalaro ay may nakasalubong siyang matandang pulubi na sobrang dungis. Humingi ng limos ang nsabing matanda. Hindi na nga binigyan ni Laura ng kahit konti ang matanda ay kung anu-ano pa ang sinabi niyang panlalait at pangmamaliit sa kawawang matanda. “ Anu ka bang matanda ka,. Wag nga you dumikit sakin.. you are so bantot and so so ugly.. don’t touch my dress.. your hands are contaminated with some kadirdir na germs.. eeewww.. shupi!! Go away.. don’t talk to me ever ,poor!!.. how dare you to talk to me like that.. cant you see.. im in the highest level , while you are just this little.. see??.. and ur hininga is like ah poopoo.. yuckness.. look at your teeth.. its all black.. tsk tsk tsk.. wawa ka nmn ever.. the kadirdir na old.. hhhmmhh“

Sa sobrang pagaalipusta ni Laura sa matanda ay napaiyak na ito at nagsisisigaw ng kung anu-anong salitang hindi maintindihan ni Laura.” Wak!! Eabab ak!! Kilabab nid oyas gna agm gnamasam awagagagganip om as awpak om.. !! naadnat om nay.. apmusunis atik!!!” sa takot ni Laura ay mabilis siyang tumakbo pauwi. Nang siya ay nasa tapat na ng pintuan nila ay biglang nagdillim ang buong kapaligiran at siya ay nakaramdam ng kakaiba. Pagkatapos ay biglang kumidlat at tinamaan siya nito. Nag-iba ang kanyang istura, si Laura ay naging tela na hindi mo mailarawan kung ano ba ito. Lumipas na ang ilang segundo, minuto at oras ay nagsimula na siyang hanapin ng kanyang magulang at katulong. Ngunit, nillibot na nila ang buong baryo at pumunta na rin sila sa kabilang baryo ay hindi nila makita si Laura. Sumuko na sila sa paghahanap at nagpasiya ng umuwi, nang sila ay nasa may pintuan na ay napansin nila ang kakaibang tela na biglang sumulpot sa harap ng pintuan nila. Kakulay ito ng suot ni Laura noong araw na iyon kaya sila ay napaisip.” Hindi po kaya si Laura ito maam?? Ganto po kasi ang suot niya nung huli ko siya nakita at nangangamoy pa po ang kanyang pabango” wika ng katulong nila. Hindi nila alam kung ano ba ang iispin nila, kung bakit nawawala si Laura, kung ano na ba talaga ang nangyari dito at kung siya nga ang telang nasa harapan nila.gulong gulo ang isip nilang lahat kaya nagpasiya sila na huwag galawin ang tela.

Madami laging bumibisita sa bahay ng pamilyang MM at sa dami ng nakakaapak sa tela ay dumumi na ito at hindi na maganda ang amoy kaya sa tuwing may bibisita sa pamilyang MM ay lagi nilang napapansin ang kakaibang tela at halos pare-pareho lang ang sinasabi ng mga ito na “ Mare, ano ba yang kakaibang telang nasaharapan niyo, bakit hindi niyo ito tanggalin?? Nakakapagpapangit lang ito ng sa itsura ng inyong bahay.” Ngumingiti na lang sila sa mga nagtatanong sa kanila dahil hindi naman nila masabi na kaya hindi nila maalis ang tela ay dahil sa tingin nila ay iyon ang nawawala nilang anak. Tinawag nilang basahan ang kakaibang tela na hinango sa kabaliktaran na pangalan ng kanilang baryo Nahasab.

Golden rules: “Do unto other what you want others do unto you”; “Kung ano ang ginagawa mo sa kapwa mo ay siya rin ang babalik sau.”

CREATED BY:
... Lara Loraine M. Mary ...
... BSN 2-5 ...

13 comments:

Unknown said...

Hhhmmmm...


May naalala ako s post mo...

ung Spoiled Brat s Bubble Gang...

HEhehehe...


Pasaway kc n bata ehh...


Pro the moral of the story is so true...


Hehe...
Fave motto ko yan e...


hehehe...


Kip Writing...

showtime said...

hmmf...

ka2lad nya tlga ung Spoiled Brat sa Bubble Gang...

hmmf...

napakaganda ng story at ng moral lesson nito...

hmmf...

galing mo Lara...

hehehe...

tuloy mo lng yan...

sa susunod libro na isinusulat mo...

ayos yan...

Unknown said...

comment ko lang dun sa shift ng kwento... kasi after nung sa sinasabi nya sa yaya nya, nagshift na agad sa isang araw... para kasing instant lang ung pagshift... tsaka ung paggamit ng at tsaka nung , d maxadong naeemphasize...
on the good part naman... magaling ung pag gamit mo ng baligtad na letters dun sa salita ng matanda... nice ^_^ pati na rin dun sa name ng baryo... d ko naisip un sa umpisa sa last part ko lang nalaman... haha nice... mas maganda din sana kung di ka nagtataglish sa text ng kwento... pero aus lang namang gumamit nun kung nakaenclose xa in quotation marks kc un ung wordings nung characters pero beyond that iwasan mong gumamit ng english words...
Overall... nice composition... and emphasis on the moral lesson... un lang haha ^_^ yngtz palagi! mwuahh!

gema012 said...

wyl nag-iinternet ako d2 sa skul nmin, ngbukas ako ng fs ko..

nkita kong may msg ka skin na buksan ang site na 'toh.. :]

now, e2 lng mssbi ko.. hehe..

"wow nmn.. auz ah..

pde ng mgsulat ng book.. haha! bout sa mga alamat?? :]

d ko din naisip na bnaligtad moh ung cnabi ng matanda..

pinaulit2 ko pa un hah?? d ko kc mgets nong una.. ^_~

auz din ung taglish hah?? ntawa din kmi ng clsm8 ko don.. (nakikibasa din kac.. ^_~)

nice.. hehe.. un lang..

ung seo lang nmn bnasa ko eh..

kip up the gud work!

ingats! ^_~"

jOnna said...

waaahhhhhh...


my simlarty nga xa don sa Spoiled Brat s Bubble Gang...

BUT, the idea & story itslef is great...

malinaw na nahtid ung lesson ng story...

galing tlga..hehehe..nggmit ang kalikutan ng icp sa pgsuslt..hehehe

aside from being a NURSE in the future you can be a good writer...

keep it up..

yngatz..^_^

Unknown said...

waw mare! ang galing naman..

puwede ka ng writer!

imfernes nahirapan akong bsahin yung cnabi nung matandang pulubi!

ang ganda ng lesson..

hndi porque mayaman ehh mamatahin mo na ang mahihirap..

himbis na laitin mo
tulungan mo nlang.. :)

keep it up!

LEI said...
This comment has been removed by the author.
jhayne said...

galing galing LARITA! :)

di ko akalain mkakagawa ka ng ganto kagandang kwento..

simple lang pero may matututunan kah..

grabe nagkanda bulol-bulol ako dun sa sinabi ng matanda..

akalain mong naisip mong baligtadin yun para maiba naman diba..

my originality ang baby larita kO! :)

talino! kakatuwang basahin ng story mo..

hindi nkakaboring..ang cute pa nga ehh

ang kulit kasi ni 'laura'

ang temaarts magsalita! hanu ber! :)

pwede ng writer!

pa-request naman!

gawa mo ko ng romance novel..
mahilig ako sa pocketbook :)

kip it up! :)

LEI said...

hello!

auz naman ung story..
u proved naman kung bket un ung moral lesson..

i liked it! kaya lng ung sa word n 'gawa' n dapat dahil sa tsaka sa 'panget' dapat pangit..hehe.. cenxa n ala n maicomment eh..

naisip ko lng n f ur going to write a story,u should use proper tagalog words to fit in the sentences well and u should also consider their right spellings.

but if i'm going to rate it, i'd say its 8/10..mgnda ung story kaya lng me part dun n ang bilis ngshift from one scene to the other tpos ung mga sinasabi ni Laura,parang nagtetxt k pa din..hehehe.. pro ngustuhan ko talaga ung story!!

NICE JOB LARA!!! KEEP IT UP!!! TAKE COMMENTS CONSTRUCTIVELY OKAY?!


mizYah!!! God bless u more! study hard!! c yah!!!

FiiCKLE.DEFUTAH said...

* wel , ang ganda nia .,

* ngus2han cu xia .,

* galing mu ning !

* kip up d gud work ! :]

•abiif0tx• said...

aus aa.

gaLing naman ng gumawa nit0ng

bLog na t0!

maganda kwent0.

gaLingan mu pa

Ampalaya said...

pasensya na ngayon lang ako makakapagbigay ng aking kumento sa iyong kwento.

Maayos naman ang pagkakasulat ng iyong kwento. Mainam din na gumamit ka ng mga lengwaheng maaring maka-"relate" ang mga kabataan sa kasalukuyan (youth lingo) sa iyong istorya para ito'y lumabas na mukhang kaiga-igaya para basahin ng kabataan.
Subalit kung ito' magiging pormal na sulatin, iwasan ang mga ganitong lenggwahe.

Napakainam din ng aral na nais mong ibahagi sa mambabasa, subalit medyo napakabilis ata ng pangyayari, parang pakiramdam ko medyo kulang sa "suspense" ng kung anong mangyayaring susunod. Lagyan lamang ng konting "pa-effect" o drama para maging "excited" ang mambabasa.


sige! Masyadong pormal ito...
Pagpalain ka ng Diyos at paghusayahan pa ang pag-aaral!

Unknown said...

Ang ganda ng Story kahit 2021 na❤
Missing the Face to face class because of This New Normal caused by Covid 19😥