Saturday, July 5, 2008

ALAMAT NG BASAHAN


Sa hindi kalayuang lugar ay may munting baryo , ang baryo Nahasab. Sa gitna ng munting baryo nakatira ang pinakamayamang pamilya, ang MM. Ang mag-asawang Lorena at Bernardo MM ay likas na matulungin, tinutulungan nila ang mga ka-baryo nila na walang hinihintay na kapalit. Tuwang tuwa at hangang hanga ang mga ka-baryo ng mag-asawa sa kanila dahil sa kabaitan ng dalawa. Sila ay may isang anak na babae, si Laura. Ayon sa mga nakatira sa munting baryo, Si Laura ang pinakamaganda sa lahat ng mga batang babae sa baryo Nahasab. Siya rin ay may angkin talino kaya marami din ang humahanga sa kanya. Subalit, ang kabutihang Loob ay hindi niya namana sa kanyang mga magulang. Sa kadahilanan na siya ay ngiisang anak, lahat ng gustuhin nia ay sinusunod at ibinibigay ng kanyang mga magulang.

Si Laura ay isang mapanglait na bata. Ito ay dahil nga na sa sila ang pinakamayaman sa buong baryo. Sa kanyang pagmamataas ay nakakaapak na siya at nakakasakit na ng mga tao sa paligid niya kaya marami din sa mga kaibigan niya ang lumalayo sakanya. Sa baryo Nahasab ay maraming nakakakilala sa pamilyang MM dahil sa kabaitan ng mag-asawa, ang kakaibang ugali ni Laura at sa kayamanan nila. Dahil dito ay halos lahat ng bata ay naging kaibigan niya. Sa sobrang kataasan ng tinigin ni Laura sa kanyang sarili ay gusto niya na siya lagi ang bida kapag sila ay naglalaro at ayaw niya na matataya siya. Maarte din siyang bata, ayaw niya ng mga taong gusgusin, mabaho at pangit. Kapag sila ay naglalaro at mapapansin niya na pawisan at nangangamoy na ang kanyang mga kalaro ay magsisismula na ang kanyang kaartehan at panlalait sa mga ito. Ang lagi niyang dialog ay “ eeww, you are all so kadiri na.. don’t touch or get close to me..ok? ur all so ugly and stinky.. look at me, i am still fresh..diba?? look?? hays.. the poor nga naman..tsk tsk tsk” sabay ayaw sa laro.

Sa kaartehan ni Laura ay meron siyang personal yaya. Lagi niya itong kasama saan man siya pumunta para taga-bitbit ng kanyang mga gamit,taga-suklay ng buhok at taga-punas ng pawis. Isang pagkakamali lang ng kanyang yaya ay sandamakmak na sermon at panlalait ang inaabot nito. ang paborito niyang linya sa pagsesermon sa kanyang yaya ay : “ anu ka ba yaya?? You are so stupid.. ugly na shungaers pa.. hay yaya..why don’t you just be like me.. im the number one babae in the whole universe.. everybody likes me.. not like you,.. no one loves you.. tsk tsk tsk.. yaya,. you are so kawawa..”

Isang araw habang siya ay naglalakad pauwi galing sa paglalaro ay may nakasalubong siyang matandang pulubi na sobrang dungis. Humingi ng limos ang nsabing matanda. Hindi na nga binigyan ni Laura ng kahit konti ang matanda ay kung anu-ano pa ang sinabi niyang panlalait at pangmamaliit sa kawawang matanda. “ Anu ka bang matanda ka,. Wag nga you dumikit sakin.. you are so bantot and so so ugly.. don’t touch my dress.. your hands are contaminated with some kadirdir na germs.. eeewww.. shupi!! Go away.. don’t talk to me ever ,poor!!.. how dare you to talk to me like that.. cant you see.. im in the highest level , while you are just this little.. see??.. and ur hininga is like ah poopoo.. yuckness.. look at your teeth.. its all black.. tsk tsk tsk.. wawa ka nmn ever.. the kadirdir na old.. hhhmmhh“

Sa sobrang pagaalipusta ni Laura sa matanda ay napaiyak na ito at nagsisisigaw ng kung anu-anong salitang hindi maintindihan ni Laura.” Wak!! Eabab ak!! Kilabab nid oyas gna agm gnamasam awagagagganip om as awpak om.. !! naadnat om nay.. apmusunis atik!!!” sa takot ni Laura ay mabilis siyang tumakbo pauwi. Nang siya ay nasa tapat na ng pintuan nila ay biglang nagdillim ang buong kapaligiran at siya ay nakaramdam ng kakaiba. Pagkatapos ay biglang kumidlat at tinamaan siya nito. Nag-iba ang kanyang istura, si Laura ay naging tela na hindi mo mailarawan kung ano ba ito. Lumipas na ang ilang segundo, minuto at oras ay nagsimula na siyang hanapin ng kanyang magulang at katulong. Ngunit, nillibot na nila ang buong baryo at pumunta na rin sila sa kabilang baryo ay hindi nila makita si Laura. Sumuko na sila sa paghahanap at nagpasiya ng umuwi, nang sila ay nasa may pintuan na ay napansin nila ang kakaibang tela na biglang sumulpot sa harap ng pintuan nila. Kakulay ito ng suot ni Laura noong araw na iyon kaya sila ay napaisip.” Hindi po kaya si Laura ito maam?? Ganto po kasi ang suot niya nung huli ko siya nakita at nangangamoy pa po ang kanyang pabango” wika ng katulong nila. Hindi nila alam kung ano ba ang iispin nila, kung bakit nawawala si Laura, kung ano na ba talaga ang nangyari dito at kung siya nga ang telang nasa harapan nila.gulong gulo ang isip nilang lahat kaya nagpasiya sila na huwag galawin ang tela.

Madami laging bumibisita sa bahay ng pamilyang MM at sa dami ng nakakaapak sa tela ay dumumi na ito at hindi na maganda ang amoy kaya sa tuwing may bibisita sa pamilyang MM ay lagi nilang napapansin ang kakaibang tela at halos pare-pareho lang ang sinasabi ng mga ito na “ Mare, ano ba yang kakaibang telang nasaharapan niyo, bakit hindi niyo ito tanggalin?? Nakakapagpapangit lang ito ng sa itsura ng inyong bahay.” Ngumingiti na lang sila sa mga nagtatanong sa kanila dahil hindi naman nila masabi na kaya hindi nila maalis ang tela ay dahil sa tingin nila ay iyon ang nawawala nilang anak. Tinawag nilang basahan ang kakaibang tela na hinango sa kabaliktaran na pangalan ng kanilang baryo Nahasab.

Golden rules: “Do unto other what you want others do unto you”; “Kung ano ang ginagawa mo sa kapwa mo ay siya rin ang babalik sau.”

CREATED BY:
... Lara Loraine M. Mary ...
... BSN 2-5 ...

Alamat ng Duryan

Ang Alamat Ng Duryan
by Ma. Cecilia Miano


Sa isang malayong lugar na puno ng manunugal, ay may isang kaharian na hindi pa nabubungkal. Ang kahariang ito ay kakaiba sa lahat sa kadahilanang ang lahat ng kagamitan at tauhan nito ay nababalot ng linis, kinang at bango. Isang prinsesa ang may pakana ng lahat ng ito, at siya ay si prinsesa Dorie. Maganda, matalino, malinis at ubod ng bango si Prinsesa Dorie subalit hindi tumutugon ang kanyang kalooban sa ipinapakita ng kanyang kaanyuan. Madalas niyang laitin ang mga katulong lalo na kung hindi niya nagugustuhan ang mga amoy nito. Hindi siya nakikihalubilo sa mga taong hindi niya kauri kung kaya’t piling panauhin lamang ang mga naiimbitahan sa tuwing may mga pagtitipon.

Isang araw napagpasiyahan ng kanyang Amang Hari na bisitahin ang mga taong bayan upang makilala naman sila ng personal bilang kinatawan ng palasyo. “ mahal kong prinsesa, halina’t sumama ka sa pagbisita naming ng iyong Inang Reyna sa bayan. Hayaan nating makilala naman tayo ng mga taong aming pinamumunuan, balang araw ay ikaw naman ang papalit sa pamumuno”, pakiusap ng hari. “ Subalit ama, sapat ng kayo na lamang ang bumisita doon at isa pa ayoko silang makita. Paniguradong hindi ko magugustuahan ang mabaho nilang amoy at itsura”., tugon ng prinsesa. “ Anak, masyado kang mapanghusga, masama iyan, gusto mo bang isama kita sa kanilang paninirahan doon?” Agad na tumanggi ang prinsesa, at sa matinding pamimilit ng ama ay napapayag niya rin ito.
Maraming karwahe ang dumating ng araw na iyon at hindi magkamayaw ang mga taong-bayan sa pagbati sa hari. Bumaba na sila ng karwahe upang magpakilala sa mga tao, at si Prinsesa Dorie ay nagdadalawang –isip pa sa pagbaba. Sa kanyang pagbaba ay nilapitan siya ng isang matandang pulubi. “ Kay ganda mo naman Prinsesa Dorie, maaari bang isama mo ako sa palasyo at hayaan mong paglingkuran kita?”, sambit ng matanda. “ Ayoko nga! Isa kang hampaslupa, at bakit naman kita tatanggapin sa aming palasyo? Walang lugar para sayo doon…! Lumayas ka! Tsupe”! Nagalit ang matandang pulubi sa matinding paglait sa kanya at isinumpa ang prinsesa. “ Kahit anong ganda at bango mo, lalabas din ang iyong baho at lalayuan ka ng maraming tao!” at biglang naglaho ang matanda.

Lumipas ang araw hanggang sa may kakaibang amoy ang lumaganap sa palasyo. Sa tuwing magsasalita ang prinsesa ay may umaalingasaw na amoy mula sa bibig nito. Lalong tumitindi ang amoy sa tuwing pagmamalupitan niya ang mga katulong at iba pang tao sa palasyo. Hindi ito matanggap ng prinsesa kung kaya’t lumayas siya. Bigla itong naglahong parang bula; walang nakakaalam kung saan siya matatagpuan. Hanggang isang araw ay may punong hindi kilala na tumubo sa harap ng palasyo. Marami itong bungang mukang masasarap subalit ng tinangka nila itong buksan at kainin ay nawala ang gana nila dahil sa amoy nito. Tumubo din ang mga punong ito sa bayan subalit hindi na sila nagtatangkang kumain ng bunga dahil na rin sa amoy nito. Dahil kasabay ng punong ito ang pagkawala ni Prinsesa Dorie, ipinangalanan nila dito ang prutas at tinawag na “DURYAN”.




************************************WAKAS**********************************************

Alamat ng SAWING PAGIBIG

Isa sa pinakamaunlad na bayan sa buong sanlibutan ang bayang agibig dahil lahat ng sulok ng bayang iyon ay puno ng napakatamis na pagmamahalan. Ava, pati nga mga pasyalan ay hindi mahulugan ng karayom sa dami ng mga naglalampungang parang mga pusa. Kahit mga gurang na ay wala pa ring patawad at puno pa rin ng kakiligan sa kulubot na balat. Lahat nga ata ng bagay sa bayan na iyon ay may kinalaman sa mga nagmamahalan. Pana’y korteng puso ang bagay-bagay sa baying yon kahit nga inudoro ay hugis puso pa rin. Naging tradisyon na nila ang mahalin at magmahalan. Subalit ang pinuno nilang si GMA Agibig ay hindi matagpuan ang tunay na pagmamahal. Lahat na nga ata ng hinain sa kanyang mga lalake ay hindi pumasa sa panlasa niya. Sa totoo lang ay malapit na siya sa DEADLINE ng malapit ng maging matandang dalaga kaya halata mo sa mukha niya ang lungkot. Mawindang-windang ang mga nasasakupan niya, kaya sila na mismo ang gumawa ng paraan. Sa paghahanap nakarating na sila sa kabilang dako ng karagatan at doon nila nakilala si Fernando Poengsawi. isa siyang sikat na artista subalit wala siyang mapili na papasa sa panlasa niya,kahit si Dysebel, marimar o marian rivera hindi pumasa sa kanya. Hanggang sa nakita niya si GMA at nahulog siya rito at hindi na nakabangon. Araw-araw niya itong sinuyo,hinarana at niregaluhan ng kung anu-ano pero deadma pa rin ang lola mo sa porma niyang EMO.

Isang araw, nagkasakit si Fernando.Wala ni isa sa bayan ang nakakaalam nito. nagtaka ngayon si GMA kung bakit walang epal sa araw niya. Hanggang sa nagumpisa ng mamiss ng bruha ang kinaiinisan niya. Pinahanap niya ito sa buong bayan. At ng makitang nakabulagta na ito sa isang mansyon sa boracay ay saka pa lng niya napagtanto na simula pa lang ng nakita niya si Fernando ay nasapol na siya ni kupido. Huli na pala ang lahta para sa kanya. At ito pa, nakita niya sa kamay ni Fernando ang isang sulat na may lamang sing-sing. Sinasabi doon na "hindi mo man ako kayang mahalin, nandito pa rin ako magaantay, kahit nakikita kong wala lang ako sayo,magbubulag-bulagan ako,hindi naman masamang mangarap. Ito lang masasabi ko isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko...Sabay tumulo ang luhs ni GMA na may putik-putik pa. Hindi niya nakayanan ang nangyari kay Fernando.

Isang araw na lang ay nakita ng taong bayan na nakahalandusay na lang sa kama si GMA at ang papel na may FLAMES na pangalan nilang dalawa,"Fernando Poengsawi LOVE GMA Agibig. Patay na si Sawi, patay na rin si Agibig. Aha! SAWING PAGIBIG...at iyon ang nilagay sa puntod ng dalawa. Simula ng may naghihiwalay sa bayan na iyon ay Sawing Pagibig na ang tinawag sa kanila.
by: Thea ANgelic R. Maiquez

Alamat ng Hamog

Noong unang panahon,hindi malaya ang mga kabataan na makapili ng tao na nais nilang mahalin at makasama sapagkat tanging ang magulang lamang ang siyang namimili nito.Si Bianca,isang ehedera at anak mayaman ay laki sa luho at sagana sa mga materyal na bagay,ngunit siya ay malungkot dahil sa sobrang higpit ng kanyang mag magulang.Isang bakasyon ay naisipan ng kanyang pamilya na magbakasyon sa kanilang hacienda.Doon ay nakilala niya si Joshua,anak ng kanilang hardinero.Naging magkaibigan sila at nang tumagal ay nahulog na ang loob nila sa isat isa.Madalas silang nagkikita tuwing naalis ang mag magulang ni Bianca.Inilihing nila ang kanilang relasyon,ngunit di tumagal ay nalaman din ng mga magulang ni Bianca ang tungkol sa kanilang dalawa kayat pilit nilang pinaghiwalay ang dalawang ito.Pinapunta nila si Bianca sa ibang bansa.Walang nagawa si joshua dahil pag tumutol siya ay mawawalan ng trabaho ang kanyang ama at wala na silang ikabubuhay.Bago umalis si Bianca nangako si Joshua na maghihintay siya at magsusumikap upang balang araw ay maipagmalaki din siya ni Bianca sa kanyang mga magulang.Walang tigil si Joshua sa kasusulat sa kanya ngunit di niya natatanggap ang mga sulat dahil kinukumpiska ito ng ina ni Bianca.Naghintay si bianca sa loob ng pitong taon,Samantala sa pitong taon na iyon ay naging sundalo si Joshua at naging kilala siyang heneral.Sa kasamaang palad habang nasa gitna sila ng gera ay aksidenteng natamaan ng bala si joshua.Makalipas ang ilang araw nailathala sa dyaryo ang mga nasawi sa gera at kasama doon si Joshua.Nabasa ni Bianca ang nilalaman ng dyaryo kayat labis siyang nagdamdam at umiyak.Naisip niya na napakasaklap ng nangyari sa kanilang dalawa.Mahirap itong tanggapin para sa kanya.Isang madaling araw nagpunta siya sa kanilang balkonahe nang nag iiyak habang tinatawag niya ang pangalan ni Joshua.Natakot siya ng bigla na lamang dumilim ang paligid at nabalot ito ng usok na unti unting humawig sa mukha ni Joshua.Sinasabi ng iba na patuloy parin sa pag-iyak si Bianca sa umga kaya nagkakaroon ng hamog.


By:
Edelyn Q. Montecillo
BSN 2-5

Ang Alamat ng Kambal na Saging

Sa isang maganda at mahiwagang palasyo ay nakatira
si Haring Saba at Reyna Lakatan.
Maganda ang pamamahala nila sa kanilang kaharian at
masayang namumuhay ang mga tao dito. Mahigit 2 taon na silang
mag-asawa ngunit mwala pa rin silang anak.

Isang araw habang palubog na ang araw ay masayang nagmasid ang mag-asawa.
Biglang tumahimik si Reyna Lakatan at malungkot na sinabi, "Iisa nalang ang
kulang sa ating pagsasama aking Hari."
Niyakap ng HAri ang kanyang asawa at sinabi, "Huwag kang mag-alala
aking mahal at dadating din ang oras at bibiyayaan din tayo
ng mga anak, huwag ka sanang mawalan ng pag-asa." Hinawakan ng Hari ang pisngi
ng kanyang asawa at sabay nginitian nya ito upang mawala ang
lungkot na nadarama ng kanyang asawa. Hindi masabi ng Hari kung gaano din siya
nalulungkot.

Sa paglipas ng panahon ay hindi parin sila binibiyayaan ng anak.
Naging matamlay ang Hari at di maiwasan ng Reyna na
malungkot sa mga nangyayari. Isang araw ay nagpasya ang Reyna na
ipasyal ang kanyang asawa sa kanilang hardin. Sa kanilang
paglalakad ay may nakasalubong sila ng isang matandang babae
at agad na sinabi "Mahal na Kamahalan, ako po ay tulungan nyo
gutom na gutom na ako. Maawa po kayo sa akin."
DAhil mabuti ang kalooban ng mag-asawa ay agad nila sinama ang matanda
sa palasyo upang pakainin.

Natuwa ang matanda at habang papalabas na ito sa
palasyo ay bigla itong nabalot ng liwanag, isa pala itong Diwata!
"Dahil mabuti ang inyong kalooban ay gagantimpalaan ko kayo."
Kaagad na hinawakan ng Diwata ang tiyan ng Reyna at ito ay nagliwanag.
NApatulala nalang ang mag-asawa.

Makalipas ang 9 na buwan ay nalalapit na ang kapanganakan ng kanilang
anak. Habang namamasyal ang mag-asawa sa may bundok upang makalanghap
ng sariwang hangin sa may tabi ng balon ay bigla nalang sumakit
ang tiyan ng Reyna. Manganganak na siya! Pagkalipas ng 1 oras ay nagsilang siya
ng kambal na babae. Maputi ang mga ito, maliit ang katawan at dilaw ang kanilang mga
buhok. Sa kasamaang palad, namatay ang Reyna dahil sa hirap ng kanyang
panganganak. Sa loob ng 2 taon ay sinikap ng Hari na maging
mabuting magulang sa kanling anak,
ngunit hindi ito naging sapat. Naging suwail ang kanyang mga anak.
Palagi silang magkaaway, gusto nila lagi na magkahiwalay sila ng landas
dahil hindi sila magkasundo.

Dahil sa mga nangyayari ay nagalit ang Diwata. Naisip na itinago ng Diwata ang Hari sa gitna
ng kagubatan upang magkasundo ang magkapatid. "Hindi mo kasi binantayan ang
Hari!" sigaw ng panganay na anak. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat, wala ka
man lang pakialam sa ating Ama." Nagsigawan pa sila lalong magkapatid.
Biglang lumitaw ang Diwata at sinabi kung nasaan ang Hari, "makikita nyo lamang ang inyong
Ama kung kayo ay magkakasundo at magsasama sa paghahanap sa kanya."

Nagmadali ang magkapatid na pumunta sa bundok, habang sila ay naglalakad ay
nagaway na naman ang 2 at nagpasyang maghiwalay. Galit na galit ang Diwata dahil
dito ay tinulak nya ang magkapatid sa balon at bigla itong nagliwanag.
Hindi na nila nakita ang magkapatid. Bigla nalang lumitaw ang Hari, nakakita siya
ng puno sa gitna ng balon. Meron itong bunga, dilaw ang kulay kagaya ng mga
buhok ng magkapatid. magkadikit ito. Sinabi ng Diwata ang kanyang dahilan sa hari,
"hindi naging mabuti ang iyong mga anak. Pinagdikit ko sila dahil gusto lagi
nila laging magkahiwalay." Napaluha nalang ang Hari at niyakap ang puno, binulong nito "mahal
ko kayo aking mga anak."



by:
Michelle Ann P. MArvida
BSN2-5

aLamat ng Tuyo

Nagdaan ang isang napakalakas na bagyo at muli nitong sinalanta ang Baryo Puting-Tinapa. Bakas ang pagkawasak ng mga tahanan at mga kabuhayan ng mga residente doon. Dahil doon, lalo nilang pinroblema ang kanilang kakainin sa araw-araw. Pinilit ng mga tao doon na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay ngunit hindi pa man lubusang nakakabangon mula sa pagkalugmok ay muli na namang dumating ang isa pang unos sa buhay ng mga residente ng baryo.

Naranasan naman nila ang sobrang tag-init. Natuyo ang mga pananim at mga balong pinagkukunan nila ng tubig. Maging ang dagat ay animo’y nagdadamot magbigay ng mga isda. Lubos na nabahala ang mga tao ng nasabing baryo dahil sa pagka-ubos ng kanilang mga pagkain.

Isang araw, lumabas ang isang batang nagngangalang Toyo, lampayatot at nanghihina dahil sa lubos na pagkagutom. Sa paghahanap ng pagkain, ang tanging nakita niya lamang sa pampang ay mga isdang animo’y naluto at natusta na dahil sa lubos na kainitan ng araw. Naisip na lamang ng batang si Toyo na mag-uwi na lamang ng mga isda. Ipinakita niya iyon sa kanyang ina at sinabi naman ng kanyang ina na “tuyung-tuyo na ang mga isdang iyan ngunit mabango naman at mukang masarap kainin”. Niluto ito at kinain nila. Tuyong isda sa umaga, tuyong isda sa tanghali at tuyong isda sa gabi, maging ang kanilang midnight snack ay tuyong isda pa rin. Naging paborito ng batang si Toyo ang tuyong isda dahil para sa kanya ay napakasarap nito at napakabango pa. Ngunit kabaligtaran naman ang sa kanyang mga kapatid, sawang-sawa na sila at kulang na lamang ay magsuka na ng tuyong isda.

Matapos ang ilang araw ng paghihirap ay muli na namang nanumbalik sa normal ang kanilang pamumuhay. Dahil hindi na tag-init ay wala ng tuyong isda na naging dahilan naman ng lubos na pagkalungkot ni Toyo. Kaya’t naisip ng kanyang ama na manghuli ng mga isda upang gawing ulam. Napag-isip-isip ng mag-asawa na ibilad sa init ng araw ang isda, timplahan ito ng konting asin gaya ng orihinal na lasa ng mga isdang nakuha ni Toyo sa pampang noong tag-init pa. naging masarap ang resulta kaya naisip nila itong gawing hanapbuhay. Mula ng araw na iyon ay naging pamilya sila ng magtutuyo, doon ay pinaikli na lamang ang tawag sa tuyong isda at ginawa na lamang na “Tuyo”. Kahit na hindi sila namomroblema sa pagkain ay pinili na rin ng mga tao na bumili ng tuyo dahil sa mura at masarap naman. Hindi nagtagal ay dumami na rin ang mga pamilya na nagnenegosyo ng tuyo hindi lamang sa Baryo Puting-Tinapa ngunit maging sa mga kalapit na baryo.

At lubos na nga ang kasikatan ng tuyo lalo na sa baryong pinanggalingan nito, ang Baryo Puting-Tinapa.

Alamat ng Garapon

Alamat ng Garapon
by Dana Dolor Montecillo

Noong unang panahon, panahon pa ng Hapon, mura pa ang mamon, at sumisikat pa lang ang bihon, ay may batang nagngangalang Timon. Si Timon ay sikat na sikat sa kanilang nayon, siya ang paboritong tuksuhin ng mga maton na taga-roon.

Isang araw bago matapos ang mag-hapon habang umuuwi ang mga ibon ay pauwi na rin si Timon buhat sa pagbili ng turon, ng biglang, “Hoy Timon, Hipon!” Sigaw ng mga maton. “Timon, Timon, Hipon!, ahahaha..” ang sabi ng mga maton. Lumingon si Timon na tumutulo ang sipon, “Sinong hipon?” ang tanong ni Timon. “Isusumbong ko kayo sa tiyo kong may baton!” Nagtawanan ang mga maton at sinabing, “Ah si Timon pikon! Pikon, pikon, pikon!”

Tumakbong pauwi si Timon na mas matulin pa sa nagma-marathon. Pagdating nya sa kanilang mansyon ay tinanong sya ng kanyang Yaya Sharon, “Oh Timon, ba’t labas ang iyong sipon?” Sagot ni Timon: “Tinutukso ako ng mga maton, mukha raw akong hipon.” Ang sabi naman ni Yaya Sharon: “Timon hayaan mo lang ang mga ‘yon, wag kang mapikon, balang araw ay mapipisa ang mga ‘yon ng pison, hala sige halika na at kumain ka na ng sotanghon.” “Ah basta yaya isusumbong ko sila kay Tito Bon, pukpukin sana sila ng baton at itapon sa kariton!” Ang matigas na sagot ni Timon.

Kinaumagahan, pagkakain ng agahan si Timon.. (abah teka ibalik natin sa –on) Pagkatapos lumamon ni Timon ng pandesal at hamon ay lumabas na sya ng mansyon upang makipaglaro sa mga taga-roon ng pataasan ng talon; pagkalabas na pagkalabas nya ay naroroon na ang mga maton, “Ayan na si Timon Hipon na pikon!” Sigaw ng mga maton at nagtawanan sila halos buong maghapon. Tulad ng nangyari noon ay umuwing luhaan at tulo ang sipon ni Timon.

Nagpaulit-ulit kay Timon ang ganoong sitwasyon, hanggang sa isang hapon nakita si Timon ng diwatang nakapantalon na mahilig sa melon; “Hoy ikaw Timon, masyado kang pikon..” sabi ng diwata na walang bahid ng pagka-mahinahon. “Madali kang mapikon sa bawat pagkakataon na hinahamon ka ng panahon. Di ka marunong bumangon at umahon kapag naluluklok sa madilim na balon, parang kaysarap mong bigyan ng leksyon! Madaling madala ng masamang alon ang damdamin mong pikon, kaya mukhang nararapat lang na gawin kitang garapon.” Iwinagayway ng diwatang nakapantalon ang kanyang baston, “Garapon, garapon, marupok pag tinapon, walang kakayahang piraso-piraso ay maipon, ngayon Timon ikaw na yon!” Di naglaon, si Timon ay nag-anyong garapon, hayun na si Timon na garapon, lagayan na ng polboron.